Viral ngayon sa social media ang isang video ng pitong asong naglalakad sa kahabaan ng isang kalye sa bansang China, habang papauwi sa kani-kanilang tahanan.
Ayon sa mga ulat, nakatakas umano ang pitong aso mula sa isang illegal transport truck matapos dukutin mula sa pangangalaga ng kani-kanilang mga amo.
Tila naging lider ng grupo ang isang corgi, at binaybay ng mga aso ang aabot sa humigit-kumulang 17 kilometro para lamang makabalik sa kanilang tahanan.
Sa kasalukuyan, ang mga aso ay nasa ligtas nang kalagayan matapos makauwi nang sama-sama.
Sila ay nasa pangangalaga na rin ng kani-kanilang mga amo.
Photo courtesy: Yoda4ever/X