May 16, 2026

Home BALITA Internasyonal

Trump, pansamantalang pinatigil pambobomba sa Iran!

Trump, pansamantalang pinatigil pambobomba sa Iran!
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Inilahad sa publiko ni United States (US) President Donald Trump ang limang araw na pansamantalang pagpapatigil niya ng kanilang military strikes sa Iran dulot ng nagiging maganda nilang negosasyon. 

Ayon sa naging pahayag ni Trump sa kaniyang Truth Social account noong Lunes, Marso 23, 2026, nauna muna niyang sinabing nagkaroon raw sila ng magandang usapan at diskusyon ng Iran sa loob ng lumipas na dalawang araw. 

“I am pleased to report that the United States of America, and the country of Iran, have had, over the last two days, very good and productive conversations regarding a complete and total resolution of our hostilities in the Middle East,” aniya.

Photo courtesy: US President Donald Trump

Ani Trump, inutusan daw niya ang kanilang Department of War ng US na itigil ang pag-atake sa mga power plants at energy infrastructure ng Iran sa loob ng limang araw dulot na rin ng maayos nilang naging negosasyon at diskusyon. 

“I have instructed the Department of War to postpone any and all military strikes against Iranian power plants and energy infrastructure for a five day period, subject to the success of the ongoing meetings and discussions,” pagtatapos pa niya. 

Internasyonal

38 tripulanteng Pinoy ng MV Hondius, negatibo sa Hantavirus

Samantala, mariin namang pinabulaanan ni Iran’s Parliament speaker Mohammad-Bagher Ghalibaf sa naging pahayag niya sa kaniyang “X” account noon ding Lunes na nagkaroon sila ng negosasyon sa US at sinabi niyang fake news ang naging pahayag ni Trump upang manipulahin ang mga merkado ng langis. 

“No negotiations have been held with the US, and fake news is used to manipulate the financial and oil markets and escape the quagmire in which the US and Israel are trapped,” buwelta ni Ghalibaf. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na bagong pahayag, tugon, o reaksyon si Trump kaugnay rito. 

KAUGNAY NA BALITA: Banta ng US: Pasasabugin powerplant sa Iran 'pag 'di binuksan Strait of Hormuz!