Ipinahayag ni Pope Leo XIV ang kaniyang pagkadismaya sa nagpapatuloy na sigalot sa Middle East at iba pang rehiyon ng mundo na apektado rin ng giyera.
“With dismay I continue to follow the situation in the Middle East and in other regions of the world torn apart by war. We cannot remain silent in the face of the suffering of so many defenseless people who are victims of these conflict,” saad ng Santo Papa sa kaniyang opisyal na Instagram account noong Lunes, Marso 23.
Aniya pa, ang mga pasakit at kamatayang dulot ng mga giyerang ito ay maituturing na isang eskandalo sa sangkatauhan at ang mga iyak ng mga tao dahil dito ay tiyak na naririnig ng Panginoon sa kalangitan.
“The death and pain caused by these wars is a scandal for the entire human family and a cry that rises to God!” ani Pope Leo.
Kaya panawagan niya sa mga Katoliko, patuloy na ipanalangin ang paghinto ng karahasan at manaig ang kapayapaan sa mga bansang kumakaharap sa mga epekto ng giyera, bilang pagrespeto sa buhay ng bawat tao.
“Let us persevere in prayer, so that hostilities may cease and paths to peace may open up, based on sincere dialogue and respect for every human person,” panawagan ng Santo Papa.
Matatandaang pormal na inanunsyo ni US Pres. Donald Trump noong Pebrero 28 ang pagsisimula ng kanilang pag-atake sa bansang Iran sa layong protektahan ang mga Amerikano sa rehimeng Iran.
“A short time ago, the United States Military began major combat operations in Iran. Our objective is to defend the American people by eliminating emanate threats from the Iranian regime,” saad ni Trump.
MAKI-BALITA: US Pres. Donald Trump, inanunsyo simula ng major combat operation vs Iran!
Ang mga naging pag-atake na ito ay nagdulot ng malawakang kanselasyon ng mga biyahe matapos isara ng mga bansang Israel, Qatar, Syria, Iraq, Kuwait, at Bahrain ang kanilang airspace bunsod ng masidhing labanan.
KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Bakit inatake ng US at Israel ang Iran na nagdulot ng tensyon sa Middle East?
Isa pa sa naging epekto ng sigalot ay ang pagkakaroon ng kakulangan sa petrolyo ng maraming bansa dahil sa paghihigpit ng Iran sa mga dumadaan sa Strait of Hormuz.
MAKI-BALITA: ALAMIN: Bakit mahalaga ang ‘Strait of Hormuz’ sa bentahan ng langis ng mga bansa?
KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Araw na itatagal ng 'oil reserves' ng ilang mga bansa sa Asya