Usap-usapan ng mga netizen ang ginawang pagpapalit ng profile picture sa social media account ng American dream-pop band na "LANY" dahil sa pagiging pamilyar nito, lalo na sa mga Kakampink.
Na-update ng profile picture ang LANY bandang 4:22 ng umaga noong Lunes, Marso 23.
Photo courtesy: Screenshot from LANY/FB
Ang "Kakampink" ay terminong ginamit sa mga tagasuporta ng "Leni-Kiko tandem" noong 2022 presidential elections, o sina dating Vice President at ngayon ay Naga City Mayor Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan.
Ang naging kilalang simbolo naman ng Leni-Kiko tandem ay kulay-pink at rosas.
Ganito rin ang ipinalita na profilc picture ng LANY sa kanilang Facebook account.
Agad naman itong shinare ng mga netizen at ikinonekta na nga kay Robredo, lalo't magkatunog pa ang mga pangalan nila.
"you asked for LANY but they gave you Mayor Leni Robredo instead"
"LetLANYLead"
"Leni-Lany Collaboration soon?"
"leni for president, lany for vice president???"
"The amount of coincidences, from its name and everything in this picture is craaazy."
"Lany Robredooo?!?"
"Kakampink din pala ang LANY? Nice!!!!"
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang LANY tungkol dito.