May 18, 2026

Home BALITA National

LTO, pinabulaanan 100% taas-singil sa rehistro ng sasakyan

LTO, pinabulaanan 100% taas-singil sa rehistro ng sasakyan
Photo Courtesy: via MB

Itinanggi ng Land Transportation Office (LTO) ang kumakalat na balita na nagtaas umano sila ng singil sa rehistro ng sasakyan.

Sa isang Facebook post ng LTO kamakailan, maling impormasyon umano ang ipinaskil ng isang netizen na naghimutok hinggil sa pagpapataw nila ng karagdagang singil.

“LTO nagtaas na pala kayo ng singil sa rehistro halos 100% wala man lang kayong abiso? Para saan po ang pagtaas ng registration fee? Bakit isinabay pa sa pagtaas ng gasolina?” anang netizen.

Pero sabi ng LTO, “Hindi po totoo ang ganitong pahayag. Patuloy po ang LTO na nagsisikap na gawing mas abot-kaya ang mga serbisyo nito lalo na sa kasalukuyang krisis pang-ekonomiya na kinakaharap ng ating bansa.”

“Ang mga bayad sa rehistro at iba pang transaksyon ng LTO ay batay sa mga alituntunin at batas na naaprubahan ng gobyerno, at walang biglaan o hindi inanunsyong pagtaas ng mga rate,” dugtong pa nila.

National

Suspek sa genocide na nililitis sa international court sa The Hague, patay na!

Kaya naman umapela ang ahensya sa publiko na huwag magpakalat at huwag agad maniwala sa nababasang maling impormasyon.

“Maging responsable po tayo sa pagbabahagi ng impormasyon – suriin muna ang katotohanan bago ito ipalaganap,” dugtong pa ng LTO.