May 22, 2026

Home BALITA Internasyonal

30-anyos OFW, nagtamo ng sugat mula sa missile impact sa Israel

30-anyos OFW, nagtamo ng sugat mula sa missile impact sa Israel
Photo courtesy: Philippine Embassy in Israel (FB)

Kinumpirma ng Embahada ng Pilipinas sa Israel na isang Overseas Filipino Worker (OFW) ang nagtamo ng sugat dala ng missile impact sa Arad, Israel kamakailan. 

Ayon sa Facebook post ng embahada ngayong Lunes, Marso 23, ang 30-anyos na OFW ay nagtamo ng moderate leg injury noong gabi ng Sabado, Marso 21. 

Anila, agad namang dinala ang manggagawa sa Soroka Medical Center, kung saan siya ginamot at maaari nang makalabas ngayon ring Marso 23. 

Binista naman ng isang team mula sa embahada ang OFW noong Linggo, Marso 22, upang kumustahin at makapag-abot ng emergency assistance. 

Pinuntahan rin ng team ang iba pang Pilipino sa Arad at Dimona, na naapektuhan din ng nasabing missile attack nang magtamo ng minor damage ang kanilang tinitirhang apartment. 

Internasyonal

WHO, nababahala sa ‘scale and speed’ ng Ebola outbreak; 134 suspected deaths naitala

Ang mga nasabing OFWs ay nabigyan din ng food packages, at sa kasalukuyan, ang iba sa kanila ay naninirahan sa iba pang kapwa Pinoy, habang ang ilan ay lumipat sa isang hotel malapit sa Dead Sea. 

Tiniyak ng embahada na patuloy nilang mino-monitor ang recovery ng 30-anyos na OFW at ang kapakanan ng iba pang manggagawa, habang nakaantabay ang psychosocial at mental health support na mga serbisyo sa mga susunod pang araw.