May 19, 2026

Home BALITA

Sa gitna ng krisis sa langis: PBBM, tiniyak sapat na suplay ng bigas

Sa gitna ng krisis sa langis: PBBM,  tiniyak sapat na suplay ng bigas
Photo Courtesy: Screenshot from Bongbong Marcos (FB), via MB

Siniguro ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na sapat ang suplay ng Pilipinas sa bigas sa gitna ng krisis sa langis bunsod ng sigalot sa Middle East.

Sa latest episode ng vlog ni Marcos, Jr. nitong Linggo, Marso 22, patuloy umano ang bentahan sa merkado ng 20 bigas kada kilo sa 177 na local government unit (LGU).

“Ongoing pa rin ang 20 rice sa 177 LGU at pararamihin pa natin 'yan. Napag-uusapan din ang paglalagay ng price cap muna sa bigas. Abangan po natin ito,” saad ni Marcos, Jr.

Dagdag pa niya, “So sa bigas wala tayong problema. Sapat ang supply at nako-control pa natin ang presyo.”

Bukod dito, may fuel subsidies din umanong naghihintay para sa mga magsasaka at mangingisda.

Politics

'Ang layo!' SP Allan, sinagot kung handa rin niyang protektahan si Sen. Jinggoy tulad kay Sen. Bato

“Ongoing na talaga ‘yang mga programang ‘yan pero nagpadagdag pa tayo ng 50 million sa mga regional field offices,” dugtong pa ng Pangulo.

Samantala, binabantayan din ng gobyerno ang presyo ng iba pang esensyal na produkto. Sa katunayan, ayon sa Pangulo, tumungo sila sa palengke para silipin ang presyo ng mga ito.

Aniya, “Sa awa naman ng Diyos, stable pa at walang masyadong pag-abuso.”

Maki-Balita: PBBM sa mga nagpoprotestang tsuper: 'Hindi kayo pababayaan ng pamahalaan!'