May 21, 2026

Home SHOWBIZ

Payo ni Cheryl Cosim: 'Pag alam mong kaya mo, kailangan ibenta mo sarili mo!'

Payo ni Cheryl Cosim: 'Pag alam mong kaya mo, kailangan ibenta mo sarili mo!'
Photo Courtesy: Cheryl Cosim (FB)

Ibinahagi ni TV5 news anchor Cheryl Cosim ang natutuhan niya sa trabaho sa murang edad noong nanirahan siya sa Amerika.

Sa latest episode ng “KC After Hours” noong Sabado, Marso 21, nahagip sa usapan ang tungkol sa naging trabaho niya noon sa Studio 25 kahit hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo.

Ayon kay Cheryl, lumabas umano ang pagiging negosyante niya nang kuwestiyunin ang kawalan niya ng college degree.

“Nakipag-negotiate ako [sa HR]. Sabi ko, ‘You must have seen something in me. Can you let me go on with the training? And then kung hindi po talaga pumasa, then let me go. Pero sayang naman po kasi I made it na to the top,” lahad ng TV5 news anchor.

Usisa tuloy ni Kapamilya broadcast-journalist Karmina Constantino, “What was it in your upbringing or in your thinking that made it easier for you to advocate for yourself?”

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

“Maybe because at an early age, 16, I started working already. And siguro ‘yong exposure ko living in the US for a while na hindi ka puwedeng susunod-sunod ka lang. Kailangan you have to be little assertive,” sagot ni Cheryl.

Dagdag pa niya, “‘Pag alam mong kaya mo, kailangan ibenta mo ang sarili mo. Or mapag-iiwanan ka or lalagpasan ka. So in a way ‘yon ang natutunan ko And parang na-excite na rin ako that I got in.”

Bukod dito, tila natuklasan din umano ni Cheryl ang halaga niya nang mag-audition sa Studio 25.

“May worth pala ako, may puwede pala akong gawin,” dugtong pa niya.

Sa kasalukuyan, bahagi si Cheryl ng afternoon newscast na One Balita Pilipinas, at sa primetime newscast na Frontline Pilipinas.

Pero bago ito, lampas isang dekada siyang nagtrabaho sa ABS-CBN bago tuluyang lumipat sa TV5 noong 2010.