May 22, 2026

Home BALITA National

Muchas Gracias! FL Liza binigyang-pugay, nakatanggap ng award sa La Fiesta 2026

Muchas Gracias! FL Liza binigyang-pugay, nakatanggap ng award sa La Fiesta 2026
Photo courtesy: Liza Marcos (FB)

Nakatanggap ng espesyal na parangal si First lady Liza Araneta-Marcos sa ginanap na "La Fiesta 2026" na inorganisa ng Spanish Chamber of Commerce in the Philippines noong Marso 18, 2026 sa Grand Hyatt Manila.

Sa naturang pagtitipon, pinagsama-sama ang mga lider at stakeholders mula sa bansang Espanya at Pilipinas upang palakasin pa ang ugnayang pang-ekonomiya at kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Iginawad kay FL Liza ang special citation award bilang pagkilala sa kaniyang ambag sa pagpapalakas ng relasyong Pilipino-Espanyol at sa pagsusulong ng mga inisyatibong nagbubukas ng mas maraming oportunidad para sa parehong panig.

Sa kaniyang mensahe, sa pamamagitan ng Facebook post, nagpahayag ng pasasalamat ang Unang Ginang sa pagkakabilang sa hanay ng mga indibidwal at organisasyong patuloy na nagsusulong ng makabuluhang kolaborasyon. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagtutulungan upang mapalalim ang koneksyon sa larangan ng kalakalan, kultura, at iba pang sektor.

"La Fiesta 2026, organized by the Spanish Chamber of Commerce in the Philippines brought together leaders and partners from Spain and the Philippines all working toward stronger connections and shared opportunities," aniya.

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

"Grateful to be in the company of those who continue to move this meaningful work forward in their own ways," aniya pa.

Nagsilbing platform o daan ang event para sa pagpapalitan ng ideya at pagpapatibay ng partnership sa pagitan ng dalawang bansa, na layong maghatid ng mas inklusibong pag-unlad at mas matibay na ugnayan sa hinaharap.

Matatandaang malaking bahagi ng kasaysayan at kulturang Pilipino ang Espanya dahil sa pagsakop nila sa bansan at pagiging kolonya sa loob ng 333 taon.