May 22, 2026

Home BALITA Probinsya

Mangingisdang limang araw nang nawawala, natagpuang buhay na palutang-lutang sa dagat!

Mangingisdang limang araw nang nawawala, natagpuang buhay na palutang-lutang sa dagat!
Photo courtesy: PCG/FB

Natagpuang buhay ang isang mangingisda mula sa Zambales matapos magpalutang-lutang sa dagat sa loob ng ilang araw, kasabay ng isinagawang search and rescue operations ng Philippine Coast Guard (PCG) sa karagatang sakop ng Bajo de Masinlo.

Kinilala ni PCG spokesperson na si Noemi Cayabyab ang biktima bilang isang 32-anyos na residente ng Barangay Wawanway sa Subic.

Naiulat itong nawawala noong Marso 15 matapos hindi makabalik ang kaniyang service boat na “Bebelot,” na nasa ilalim ng fishing boat na “Gabriel Geruz 6.”

Nasagip ang mangingisda noong Marso 20 habang nagsasagawa ng maritime patrol at search and rescue operations ang PCG sa karagatan malapit sa Bajo de Masinloc.

Ayon sa PCG, natukoy ang huling lokasyon ng mangingisda sa tulong ng koordinasyon sa BRP Cape San Agustin (MRRV-4408), na naging susi sa matagumpay na rescue operation.

Probinsya

Lalaking tinakbuhan mga nanggugulpi sa kaniya, patay matapos bumangga sa poste!

“Upon arrival at the reported location, PCG conducted search operations and eventually spotted the missing boat approximately 78.98 nautical miles west off Capon Grande, Zambales,” ani Cayabyab.

Ang Capon Grande ay tinatayang 134 nautical miles mula sa Bajo de Masinloc, na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Zambales at kilalang tradisyunal na pangingisdaan ng mga Pilipinong mangingisda.

Agad na binigyan ng medikal na atensyon ang nasagip na mangingisda sakay ng BRP Cabra, ayon sa PCG.

“The service boat was also secured and brought onboard the vessel,” Cayabyab noted.

Umalis na ang BRP Cabra sa lugar at patungo na sa Subic, Zambales para sa maayos na turnover ng nasagip na mangingisda sa kaniyang pamilya.