May 21, 2026

Home BALITA National

Valid IDs na puwedeng dalhin ng indigent senior citizens sa pagkuha ng social pension, inilabas ng DSWD

Valid IDs na puwedeng dalhin ng indigent senior citizens sa pagkuha ng social pension, inilabas ng DSWD
Photo courtesy: MB

Inilatag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kinakailangan valid IDs para sa Indigent Senior Citizens na tatanggap ng kanilang social pension. 

Ayon sa pahayag ng DSWD noong Sabado, Marso 21, patuloy pa rin nilang kinikilala at hinihikayat ang paggamit ng Philippine Identification System (PhilSys)-issued National ID bilang primary ID.

Para naman sa mga hindi pa nakakatanggap ng kanilang National ID, narito ang listahan ng iba pang government-issued IDs bilang secondary ID:

- OSCA ID

- PhilHealth ID

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

- Voter’s ID

- Passport

- Driver’s License

- 4Ps ID

- PWD ID

- TIN ID

- Postal ID

- Solo Parent ID 

- OWWA ID 

- OFW ID

- PRC ID

- Seaman’s Book

-  Integrated Bar of the Philippines ID

Para naman sa non-pensioners, itinuturing ding valid ID ang SSS - UMID at GSIS e-card. 

Saad pa ng DSWD, patuloy na nakikipag-ugnayan ang kanilang field offices sa Philippine Statistics Authority (PSA) upang magabayan ang mga benepisyaryo at hindi pa rehistrado sa PhilSys, upang matiyak na lahat ng mga ito ay magkaroon ng kanilang National ID para sa mas mabilis na serbisyo.