May 22, 2026

Home SHOWBIZ Pelikula

Direktor, naghimutok matapos langawin pelikula: '5,000 ang FB Friends pero wala pa sa 100 ang nanood!'

Direktor, naghimutok matapos langawin pelikula: '5,000 ang FB Friends pero wala pa sa 100 ang nanood!'
Photo Courtesy: Elmer Anisco (FB)

Naglabas ng sentimyento ang writer-director na si Dante Balboa o Elmer Anisco dahil sa matumal na pagtangkilik sa philosophical film niyang “Graduation Day.”

Sa isang Facebook post ni Dante kamakailan, sinabi niyang nakakalungkot umano na tila wala pa raw sa isandaan ang nanonood sa nasabing pelikula.

“Nakakalungkot kasi 5,000 ang FB Friends ko pero wala pa siguro sa 100 ang nanood ng GRADUATION DAY. Kahit anong pakiusap ko. Siguro busy talaga sila. Pero isang beses lang naman ito mangyayari sa buhay ko, di pa nila ako napagbigyan,” saad ni Dante.

Dagdag pa niya, “Inisip ko na lang ganun talaga ang buhay eh. Sadyang mahiwaga. Di ko naman puwedeng pilitin kahit sabihin ko pang maganda ang film. Kasi baka nainis pa sa akin at ipakulam ako. O kaya baka maka-receive pa ako ng message na ‘e ano ba pakialam ko sa'yo?’”

Kaya naman ipinagpapasa-Diyos na lang umano ni Dante ang lahat dahil gano’n naman talaga ang buhay. 

Pelikula

Maria Ozawa, bet sumabak sa VMX

“Don't expect anything or something kahit sa mga inaakala mong mga ‘kaibigan’ mo,” sabi pa niya.

Bukod dito, nalungkot din umano siya na hindi man lang daw ikinalat ng mga nanood ng “Graduation Day” na maganda ang kaniyang pelikula. 

Idagdag pa umano ang mga kasamahan sa industriya na hindi na nga sumusuporta, gumagawa pa ng pangit na film review.

Aniya, “May ilang ka-industriya na sa halip makatulong, e mga nanghihila pa pababa. At marahil dun sila masaya.”

Si Dante ang mismong sumulat at nag-direk sa “Graduation Day” na pinagbidahan ni Jeric Gonzales bilang “Simon.” 

Nakasentro ang kuwento nito sa napakaraming pagsubok na pinagdaanan ni Simon kasama ang lola niyang si “Nelia” na ginampanan ni Elizabeth Oropesa.