May 22, 2026

Home BALITA Internasyonal

Missile in Iran, mas malayo na narating; tinarget US-UK military base sa Indian Ocean!

Missile in Iran, mas malayo na narating; tinarget US-UK military base sa Indian Ocean!
Photo courtesy: Contributed photo

Nagpakawala ang Iran ng dalawang ballistic missiles patungo sa pinagsanib na base militar ng Estados Unidos at United Kingdom sa Diego Garcia sa Indian Ocean, ayon sa mga ulat ng international news outlets noong Marso 20, batay na rin sa mga opisyal ng US.

Ayon sa ulat, hindi tumama ang alinman sa mga missile sa target na nasa humigit-kumulang 4,000 kilometro mula sa teritoryo ng Iran. 

Gayunman, ipinapakita umano ng naturang paglulunsad na may kakayahan ang Tehran na gumamit ng mas mahahabang range ng missile kaysa sa dating inaakala.

Sinasabing isa sa mga missile ang pumalya habang nasa ere, habang ang isa naman ay tinarget ng interceptor na pinakawalan mula sa isang barkong pandigma ng US, bagama’t hindi pa malinaw kung tuluyang natamaan ang nasabing missile.

Matatagpuan ang Diego Garcia sa Chagos Islands, at isa ito sa dalawang base-miliar na pinapayagan ng United Kingdom na gamitin ng Estados Unidos para sa tinatawag na “defensive” operations laban sa Iran.

Internasyonal

WHO, nababahala sa ‘scale and speed’ ng Ebola outbreak; 134 suspected deaths naitala

Nakalagak sa nasabing base ang mga bomber at iba pang kagamitang militar ng US, at itinuturing itong mahalagang hub para sa mga operasyon sa Asia, kabilang ang mga bombing campaign ng Amerika sa Afghanistan at Iraq.