May 21, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kelangang i-vlog? Luis, sinupalpal basher ng pagpapa-colonoscopy at gastroscopy niya

Kelangang i-vlog? Luis, sinupalpal basher ng pagpapa-colonoscopy at gastroscopy niya
Photo courtesy: Luis Manzano (FB)

Hindi pinalagpas ng Kapamilya TV host na si Luis Manzano ang isang netizen na tila nagtanong kung bakit kailangan pa niyang i-vlog ang medical procedure na kaniyang pinagdaanan, na may kinalaman sa kaniyang annual physical examination kamakailan.

Sa kaniyang social media platforms, ibinahagi ng TV host ang pagpapa-colonoscopy at gastroscopy niya bilang bahagi ng kaniyang taon-taong executive check-up.

Sa Instagram post ni Luis, ibinahagi niya ang nabanggit na check-up sa kaniyang tiyan dahil nga naman hindi na raw siya bumabata.

Ang colonoscopy ay isang medikal na pamamaraan kung saan gumagamit ng manipis at flexible na tubo na may camera (colonoscope) upang makita ang loob ng malaking bituka (colon) at tumbong (rectum). Ginagamit ito ng mga doktor upang mag-screen para sa kanser, hanapin ang sanhi ng pananakit ng tiyan, pagdurugo, o mag-alis ng mga polyp.

Ang gastroscopy ay isang ligtas na medikal na pamamaraan kung saan gumagamit ng manipis at flexible na tubo na may camera (endoscope) upang makita ang loob ng esophagus, tiyan, at unang bahagi ng maliit na bituka (duodenum).

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Para kay Luis, normal naman daw ang nabanggit na medical procedure lalo na sa mga kagaya niyang may edad na rin, na nasa mid-40s na.

Inaasam naman ni Luis na sana raw, maging maganda ang resulta at walang makitang polyps ang mga eksperto sa kaniyang tiyan.

Batay sa Healthline, ang polyps ay "abnormal tissue growths, often resembling small bumps or stalks, that develop on the mucous membranes of hollow organs like the colon, uterus, or nose."

Bagama't ang iba ay benign o noncancerous, ang iba naman ay puwedeng maging malignant at magdulot ng cancer, kaya naman, agad na tinatanggal ito sa screenings upang hindi na lumala pa.

Going back kay Luis, naging maganda naman ang resulta ng kaniyang colonoscopy at wala namang nakitang polyps.

"All good ang results guys," aniya. 

Maki-Balita: Di na bumabata! Luis Manzano nagpa-colonoscopy at gastroscopy, anyare?

Marami naman sa mga netizen ang na-curious at nagtanong din kay Luis kung masakit ba ang nabanggit na procedure, at may mga ilan ding nagpahayag ng kanilang interes na sumailalim din sa nabanggit na check-up.

Pero isang netizen ang nagkomento at diretsahang tinanong si Luis kung kailangan pa raw ba niyang i-vlog ang nabanggit na medical procedure, na ang nais marahil puntuhin, ay pribado na dapat.

"Kelangan din po ba na i vlog? No hate" saad nito.

Hindi naman ito pinalagpas ni Luis at diretsahan ding sinagot.

"yup, para makatulong sa awareness ng tao, kayo ba kelangan naka all white sa pictorial?" aniya.

Pinanigan naman ng mga netizen si Luis at niresbakan ang nabanggit na netizen.

"just more info for us who needs the procedure. Bakit nega ka????"

Reply naman dito ni Luis, " siyempre kelangan nya makaramdam ng attention."

Photo courtesy: Screenshot from Luis Manzano/FB

Hindi naman na nag-reply ang nabanggit na netizen.