May 21, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Janella Salvador, favorite point of view si Klea Pineda

Janella Salvador, favorite point of view si Klea Pineda
Photo Courtesy: Janella Salvador (IG)

Nagpaabot ng sweet na mensahe si Kapamilya actress Janella Salvador sa dating “Open Endings” co-star niyang si Klea Pineda na nagdiwang ng kaarawan kamakailan.

Sa latest Instagram post ni Janella kamakailan,makikita ang serye ng mga larawan ni Klea.

“My favorite pov!! through every trip and bumpy ride,” saad ni Janella sa caption ng post.

Dagdag pa niya, “I’ll always, always have your back and side (as a passenger princess). You are so full of love. Happy birthday.”

“Life feels easier with you. Thanks for making me this happy, Janjan,” komento naman ni Klea.

Relasyon at Hiwalayan

Endgame unlocked! Cristine Reyes, Gio Tingson engaged na

Bagama’t wala pang opisyal na kumpirmasyon mula kina Klea at Janella tungkol sa real score nila, hindi maiwasang pagdudahan na may namumuo nang romantikong ugnayan sa pagitan ng dalawa.

Matatandaang sa isang social media post noong Disyembre 2025, tila pasimpleng ipinahiwatig ni Janella ang status ng relasyon nila ni Janella.

Basahin ang buong ulat: ‘I’m home!’ Janella, Klea opisyal na nga bang mag-jowa?

Nagsimulang maugnay si Klea kay Janella noong nagkasama sila sa pelikulang “Open Endings.” In fact, pinagsuspetsahan pa ngang may kinalaman ang huli sa breakup ni Klea at ng ex-girlfriend nito.

Kaugnay na Balita: Priorities muna! Klea Pineda hiwalay na sa girlfriend na si Katrice Kierulf-Balita

Kaugnay na Balita: Klea Pineda idiniing labas si Janella Salvador sa hiwalayan nila ni Katrice Kierulf

Ngunit nauna nang pinabulaanan ni Klea na wala raw nangyaring third party. Sabi naman ni Janella, “Kung ano 'yong nakikita n'yo, 'yon na 'yon.”

Maki-Balita: Hindi raw third party: Janella kay Klea, 'Kung ano nakikita n'yo, 'yon na 'yon!'