May 21, 2026

Home BALITA Probinsya

Balyenang na-stranded sa Sultan Kudarat sinakyan, pinaglaruan ng mga residente!

Balyenang na-stranded sa Sultan Kudarat sinakyan, pinaglaruan ng mga residente!
Photo courtesy: Hazi Masukat (FB)

Mabilis na kumalat sa social media ang video tungkol sa panghihina at pagka-stranded ng isang balyena kung saan nagawa itong aktuwal na dambahan at sakyan ng mga nakakitang residente. 

Ayon sa inupload na video ng Facebook user na nagngangalang “Hazi Masukat” nitong Sabado, Marso 21, 2026, sinabi niyang natagpuan ang balyena bandang 8:30 ng umaga nito ring Sabado sa Poral Beach, Kalamansig, Sultan Kudarat. 

Ani Masukat, bandang 8:44 daw ng umaga nang mabilis na kumalat ang balita tungkol sa balyena sa mga residente at agad nila itong pinuntahan at sinakyan pa ng ilan. 

Tila sinubukan pa raw lumangoy upang tumakas ng nanghihinang balyena ngunit tumama ang tiyan nito sa seaflor dahilan para mas lalo itong ma-standed. 

“Around 8:44 this morning, people hurriedly paddled straight to the mammal and happily hopped on its back. Despite the wildlife’s poor condition, it attempted to swim away, but its belly scraped along the seafloor, preventing it from escaping,” aniya. 

Probinsya

Lalaking tinakbuhan mga nanggugulpi sa kaniya, patay matapos bumangga sa poste!

Anang uploader, lumipas pa raw ang tatlong oras at napalibutan na ng mga bangka ang balyena at tila hindi na napigilan ni Masukat na ipahayag ang kaniyang galit na naramdaman sa tila natutuwa pang mga residente sa sinapit mammal. 

“Video footage showed the chaos unfolding as people ignored the whale’s struggles, sparking outrage over the lack of regard for wildlife welfare. Tumatawa, na para bang inflatable slide ang balyena kung ituring. Mapapamura ka sa inis,” saad niya. 

Dagdag pa niya, “It’s appalling to see these people taking advantage of a creature’s misery for their own entertainment. Nakakagalit.” 

Pagdidiin ni Masukat, maaari raw maging responsable ang mga residente sa ilalim ng Wildlife Resources Conservation and Protection Act (RA 9147), makapagmulta ng aabot sa ₱200,000 o higit pa, at makulong sa loob ng dalawang taon. 

“Under the Wildlife Resources Conservation and Protection Act (RA 9147), those responsible for mistreating the whale could face fines of up to ₱200,000 or more, imprisonment of up to 2 years, or both,” ‘ika niya. 

Samantala, dumating naman daw ang mga awtoridad bandang 9:00 ng umaga upang ma-rescue ang nasabing balyena. 

‘Kalamansig Rescue Authorities arrived at the beach at 9:00, working to rescue the stranded whale,” pagtatapos ng uploader. 

Samantala, habang sinusulat ito, umabot naman na sa mahigit 125K views, mahigit 1K reactions, at mahigit 1K share ang naturang video ni Masukat.