Nagpaabot ng mensahe ang anak ni award-winning theater actress Lea Salonga na si Nic Chien para sa mga nagsasabing mapupunta umano sa impiyerno ang mga tulad niyang miyembro ng LGBTQIA+.
Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Biyernes, Marso 20, nagbitiw ng maanghang na pahayag si Nic.
“Screw you,” panimula niya. "Whoever thinks being queer or gay or trans is a choice — no it's not a choice. If I had a choice to only choose women, I would choose that choice."
"God made us this way. If there was an easier way out, we would have chosen that a long time ago, pero hindi. Kasi, this is what we really are,” dugtong pa ni Nic.
Kinikilala ni Nic ang sarili bilang isang bisexual na transman. Nagsimula siyang magpa-opera ng dibdib noong Setyembre 2025.
Samantala, ibinahagi naman niya sa isang bahagi ng panayam kung anong klaseng ina si Lea.
“Progressive as in she’s open, she’s loving, she’s kind, she’s one of the most understanding people I’ve ever known,” saad ni Nic.
Matatandaang sa isang isyu ng lifestyle magazine noong Abril 2025, inilahad na rin ng mag-ina ang emosyonal na journey nila kaugnay sa self-discovery at parenting.
Maki-Balita: Lea Salonga, kumusta bilang ina para kay Nic Chien?