Ibinahagi sa publiko ng aktor at singer na si Nic Chien kung paano niya nakikita bilang ina ang award-winning theater actress na si Lea Salonga.
Ayon sa inupload na episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” ng GMA Network sa kanilang Youtube channel noong Biyernes, Marso 20. 2026, nagawang tanungin ng Asia's King of Talk na si Boy Abunda si Nic kung kumusta raw si Lea bilang nanay para sa kaniya.
“Ito, interesado kaming malaman, kumusta si Lea Salonga as a mother?” urirat ni Tito Boy.
Walang pagdadalawang-isip namang sagot ni Nic, nakikita raw niyang isang progresibong nanay si Lea. “Progressive,” pagsisimula niya.
Paliwanag niya, “Progressive as in she’s open, she’s loving, she’s kind, she’s one of the most understanding people I’ve ever known.”
Ani Nic, hindi na raw siya hihiling ng iba at mas mabuti pang ina bukod kay Lea dahil hindi raw niya mararating ang kinaroroonan niya ngayon kung hindi dahil sa kaniyang ina.
“You know, I really don’t t think I could have ask for a better mother and I think if I was with anybody else I wouldn’t be where I am today,” ‘saad niya.
Dagdag pa niya, “And I wouldn’t be able to sing her praises.”
Matapos nito, tinanong naman ni Tito Boy kay Nic kung sobrang protective ba raw si Lea bilang ina.
“Is she very, very protective?” ani Tito Boy.
Paglilinaw naman ni Nic, very protective daw na ina si Lea ngunit alam naman daw ng huli na kaya niyang alagaan ang kaniyang sarili.
“Yes but she also knows that I can take care of myself,” pagtatapos ni Nic.
MAKI-BALITA: 'Don't have children!' Lea Salonga, pinaalalahanan mga 'di matatanggap LGBTQIA+ kanilang anak
MAKI-BALITA: Lea Salonga, hiwalay na sa asawa!