May 22, 2026

Home BALITA Probinsya

₱7.1M halaga ng umano'y shabu, nasamsam sa Davao City

₱7.1M halaga ng umano'y shabu, nasamsam sa Davao City
PNP

Nasamsam ng awtoridad ang mahigit ₱7 milyong halaga ng umano'y shabu mula sa isang high-value drug suspect sa Davao City, ayon sa Philippine National Police.

Sa ulat ng PNP noong Biyernes, Marso 20, nagsagawa ng operasyon ang Davao City Police Office (DCPO) noong Marso 19, sa Barangay Ma-a, Davao City, kung saan natimbog ang suspek na si alyas "Alex."

Nakumpiska mula sa kaniya ang pinaghihinalaang shabu na may standard drug price na ₱7,140,000.00. 

Kaugnay nito, nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 (Sale) at 11 (Possession) ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, pinuri naman ni PNP Chief PGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang kapulisan sa likod ng matagumpay na operasyon.

Probinsya

Lalaking tinakbuhan mga nanggugulpi sa kaniya, patay matapos bumangga sa poste!

“Operations like this demonstrate our resolve to dismantle illegal drug networks at every level. Ang tagumpay na ito ay bunga ng patuloy na pagtutok at malasakit ng kapulisan sa kapakanan ng mamamayan," aniya.

“Hindi kami titigil sa laban kontra ilegal na droga. Ang bawat operasyon ay para sa kaligtasan ng ating mga kababayan at sa kinabukasan ng ating mga kabataan," dagdag pa niya.