May 21, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Hirit ni Andre Yllana sa lovelife ng ina: ‘Nagseselos na ako!’

Hirit ni Andre Yllana sa lovelife ng ina: ‘Nagseselos na ako!’
Photo Courtesy: Andre Yllana, Aiko Melendez (IG)

Nagbigay ng reaksiyon ang anak ni Quezon City District 5 Councilor Aiko Melendez na si Andre Yllana sa kasalukuyang relasyon ng ermats niya kay Onemig Bondoc.

Matatandaang hindi pa natatagalan simula nang ilantad ng dalawa sa publiko ang kanilang relasyon.

Maki-Balita: Aiko Melendez kay Onemig Bondoc: 'You are the love I didn’t even know I needed'

Ito ay matapos kumpirmahin ni Onemig noong Enero na nililigawan na niya si Aiko bagama’t hindi pa raw siya sinasagot.

Maki-Balita: Onemig Bondoc kinumpirmang nililigawan si Aiko Melendez, pero hindi pa sinasagot

Relasyon at Hiwalayan

Endgame unlocked! Cristine Reyes, Gio Tingson engaged na

Kaya sa panayam kay Andre sa ginanap na press conference kamakailan, hindi naiwasang mahagip sa usapan ang tungkol sa lovelife ng kaniyang ina. 

Aniya, "Napapa-sana all na nga lang po ako, e. Kasi happy po talaga sila."

"Diyos ko po, hindi ko na nakikita si mommy. Nagseselos na ako," dugtong pa ni Andre sabay make face.

Bukod dito, inamin din niyang may mga pagkakataon umanong naki-cringe siya sa relasyon ng dalawa.

"Aaminin ko minsan, oo. Pero okay naman. [...] Kapag nagti-TikTok sila ng mga kantahan nila. Pero, de, this must be love," saad ni Andre.

Kaya naman hindi na rin nakapagtataka na maayos ang ugnayan nina Andre at Onemig. In fact, nakaka-relate umano si Onemig kay Andre pagdating sa usapin ng daddy issues.

Si Andre ay anak ni Aiko sa dati nitong mister na si Jomari Yllana.