May 21, 2026

Home SHOWBIZ Events

Di na bumabata! Luis Manzano nagpa-colonoscopy at gastroscopy, anyare?

Di na bumabata! Luis Manzano nagpa-colonoscopy at gastroscopy, anyare?
Photo courtesy: Luis Manzano (IG)/Freepik

Ibinahagi ng Kapamilya TV host na si Luis Manzano na sumailalim siya sa colonoscopy at gastroscopy kamakailan bilang bahagi ng kaniyang taon-taong executive check-up.

Sa Instagram post ni Luis, ibinahagi niya ang nabanggit na check-up sa kaniyang tiyan dahil nga naman hindi na raw siya bumabata.

Ang colonoscopy ay isang medikal na pamamaraan kung saan gumagamit ng manipis at flexible na tubo na may camera (colonoscope) upang makita ang loob ng malaking bituka (colon) at tumbong (rectum). Ginagamit ito ng mga doktor upang mag-screen para sa kanser, hanapin ang sanhi ng pananakit ng tiyan, pagdurugo, o mag-alis ng mga polyp.

Ang gastroscopy ay isang ligtas na medikal na pamamaraan kung saan gumagamit ng manipis at flexible na tubo na may camera (endoscope) upang makita ang loob ng esophagus, tiyan, at unang bahagi ng maliit na bituka (duodenum).

Ginagamit ito upang suriin ang mga sanhi ng sakit sa tiyan, heartburn, o pagdurugo, at tumatagal lamang ng 15-30 minuto.

Events

Hirit ni Marina Summers sa standards sa pageants, tuhog din sa pagpili ng future leaders!

Para kay Luis, normal naman daw ang nabanggit na medical procedure lalo na sa mga kagaya niyang may edad na rin, na nasa mid-40s na.

Inaasam naman ni Luis na sana raw, maging maganda ang resulta at walang makitang polyps ang mga eksperto sa kaniyang tiyan.

Batay sa Healthline, ang polyps ay "abnormal tissue growths, often resembling small bumps or stalks, that develop on the mucous membranes of hollow organs like the colon, uterus, or nose."

Bagama't ang iba ay benign o noncancerous, ang iba naman ay puwedeng maging malignant at magdulot ng cancer, kaya naman, agad na tinatanggal ito sa screenings upang hindi na lumala pa.

Going back kay Luis, naging maganda naman ang resulta ng kaniyang colonoscopy at wala namang nakitang polyps.