Tuluyan na talagang naayos ang gusot sa pagitan nina stand-up comedian Alex Calleja at comedy writer Chito Francisco tungkol sa car wash joke.
Sa latest Facebook post ni Alex noong Martes, Marso 17, ibinahagi niya ang picture nila ni Chito nang magkasama sa isang car wash bay.
Kalakip nito ang summary ng isyu sa pagitan nilang dalawa.
“Last year,” panimula ni Alex, “paglabas ng Netflix special ko na TAMANG PANAHON, nagkaroon ng issue. May nagbintang sa akin na ninakaw ko raw ang joke niya tungkol sa carwash.”
“Pero dahil may screenshots ako na nagpatunay na matagal ko nang ginagawa ang joke na ’yon, sinagot ko ang bintang at nag-consult ako sa lawyer ko kung puwede magkaso ng cyber libel. Pero dahil nadaan naman sa usapan, nagkaayos din kami ni Chito Francisco,” dugtong pa niya.
MAKI-BALITA: Alex Calleja naglapag ng mga resibo, pumalag sa akusasyong 'nagnakaw ng jokes'
Bilang patunay na okay na sila, magkakaroon umano ng special participation si Chito sa bagong comedy special ni Alex na tampok sa Netflix.
Matatandaang nagsimula sa isang simpleng patutsada ang pag-aakusa ni Chito kay Alex na nagnakaw umano ng joke sa kaniya.
MAKI-BALITA: Comedy writer Chito Francisco, nagpasaring nga ba kay Alex Calleja dahil sa 'carwash joke?'