May 22, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Jeric Gonzales, Rabiya Mateo pinaglaban ang relasyon bago naghiwalay

Jeric Gonzales, Rabiya Mateo pinaglaban ang relasyon bago naghiwalay
Photo Courtesy: Jeric Gonzales, Rabiya Mateo (FB)

Nagbigay ng kapirasong detalye si Kapuso actor Jeric Gonzales kaugnay sa hiwalayan nila ni beauty queen-actress Rabiya Mateo matapos niyang kumpirmahin ang tungkol dito.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Lunes, Marso 16, sinariwa ni Boy ang sinabi nina Jeric at Rabiya noong bumisita sila sa programa matapos magkahiwalay at muling nagkabalikan noong 2023.

“Hindi ko kailanman malilimutan ang mga binitawan n’yong salita na, ‘Na-realize pala namin na hindi namin kaya na wala ang isa’t isa. May pangalawa pa. Ipinaglaban namin ang pagmamahalan namin,’” saad ni Boy.

Dagdag pa niya, “Ito na lang, without having to go into details, itong paghihiwalay n’yo ngayon, pinaglaban n’yo na sana’y magkabalikan kayo?”

“Of course,” sagot ni Jeric. “But of course, there are things na mutually napagkasunduan din namin na parang kung ilalaban natin ‘to parang mas mahihirapan tayo pareho. We have to grow.”

Relasyon at Hiwalayan

Endgame unlocked! Cristine Reyes, Gio Tingson engaged na

Gayunman, ayon kay Boy, sa kabila ng nangyari, ang mahalaga ay nag-usap ang dalawa at pareho nilang ginusto ang nasabing desisyon.

Samantala, pinasalamatan naman ni Jeric si Rabiya para sa mga natutunan niya sa kanilang relasyon. Humingi na rin siya ng paumanhin at hiniling ang makakabuti para dito.

Aniya, “Thank you kasi ang dami kong natutunan sa relationship namin. Of course, she loved me for who I am. [...] Sorry kasi sana masamahan ko pa siya ngayon sa lahat ng journey niya.”

“But I’m proud of her, and I wish all the best pa rin,” dugtong pa ng aktor.

Matatandaang Agosto 2024 nang muling umugong ang bulung-bulungan na hiwalay na ulit sina Rabiy at Jeric. 

Ito ay matapos kumalat ang mga screenshot na hindi na umano naka-follow ang dalawa sa Instagram account ng isa’t isa. 

Maki-Balita: Jeric Gonzales, Rabiya Mateo hiwalay na ulit?

Unang kinumpirma nina Rabiya at Jeric ang kanilang relasyon noong Marso 2022, at kahit naghiwalay sila dahil sa isang hindi pagkakaunawaan, naghiwalay naman umano sila nang maayos.

Maki-Balita: Jeric Gonzales at Rabiya Mateo, nagkabalikan na nga ba?