Nakarating na rin sa wakas ang aktor na si John Feir sa takdang araw ng kasal nina Mikoy Morales at Isa Garcia.
Sa Facebook MyDay ni John nitong Sabado, Marso 14, ibinahagi niya ang kaniyang larawan na kuha sa mismong venue ng kasalan.
Ayon sa ulat ng GMA Entertainment, ginanap ang mismong kasal nito ring Sabado sa St. John Bosco Parish sa Makati City.
Maki-Balita: Mikoy Morales, Isa Garcia ikinasal na!
“I made it,” saad ni John sa text caption. “Congrats Mikoy and Isa.”
Matatandaang nag-viral si John noong Enero dahil sa isang nakakatawa ngunit "honest mistake" na pangyayari.
Ito ay matapos niyang magtungo sa simbahan para sana dumalo sa inaakalang kasal na sana nina Mikoy, at Isa.
Sey tuloy ni Mikoy, tila naranasan ni John sa totoong buhay ang karakter nitong si “Patrick,” na kilala bilang hotdog expert sa long-running sitcom na Pepito Manaloto.
Maki-Balita: 'Na-Patrick siya in real life!' John Feir, 'umadvance' sa kasal ni Mikoy Morales