Tinuldukan na ni Lella Ford ang lumulutang na espekulasyon na may tensyon umano sa pagitan nila ng kapuwa niya “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0” Big Winner na si Caprice Cayetano.
Sa hiwalay na panayam matapos ang live show ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, sinabi ni Lella na wala umanong tensyon sa pagitan nila ni Caprice.
“Wala po kaming tensyon or anything. Caprice and I are sobrang close po talaga namin. Lahat po kami para na po talaga kaming family inside Kuya’s house,” saad ni Lella.
Dagdag pa niya, “Now, we’re very good. I was just with her a few days ago. And we’re good. Wala po talaga.”
Matatandaang inintriga ng fans ang pagkaudlot ng sagot ni Lella sa naturang tanong ni Boy sa kaniya. Susptesa ng ilan, ayaw umano itong sagutin ni Lella. Sabi naman ng iba, pinagbawalan umano ni Karla na sumagot ang anak.
Ngunit ayon kay Boy, “Hindi po totoo ‘yon. Nawalan lamang po kami ng oras.”
“Kaya ang ginawa ho namin, right after the live show, tinanong natin si Lella kung ano ang kaniyang kasagutan sa katanungang ‘yon na hindi natin naitanong dahil sa kawalan ng oras,” dugtong pa niya.