May 22, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Lumalabas kayo ang matino!' Alvin Aragon, muling pinatusadahan SexBomb husbands

 'Lumalabas kayo ang matino!' Alvin Aragon, muling pinatusadahan SexBomb husbands
Photo courtesy: Alvin Aragon/FB, GMA Network/FB

Muling binira ni Starstruck alumna Alvin Aragon ang mga mister ng SexBomb Girls matapos ang naging interview sa kanila ng Fast Talk with Boy Abunda.

Sa Facebook post ni Alvin nitong Huwebes, Marso 12, 2026, iginiit niyang hindi niya raw ikinukumpara ang pagiging asawa niya kat dating SB member Izzy Trazona at sa mga mister ng kasalukuyang SB members.

"Hindi ako ang nag compare ha… ang netizen ang nag compare. Magbasa kasi kayo ng comments. Nag- defend lang ako, kaya binanggit ko kayo," ani Alvin.

Pinuna rin niya ang tila, pawang ang mga mister daw ng SB members ang tila naging matino dahil sa kanilang all out support sa naging concerts ng grupo.

"Lumalabas kayo ang matino kasi… because you’ve supported your wives wearing sexy clothes while dancing, tapos ako masama?" saad ni Alvin.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Hirit pa niya, "And don't be angry… if I mentioned all of you because all of you are public figure..You are all subject to criticism."

Kabilang sa mga sikat na personalidad na naging mister ng ilang SB members ay sina Bulacan Vice Governor Alex Castro na asawa ni Sunshine Garcia, Joshua Zamora na mister ni Jopay Paguia at Arthur Solinap na asawa naman ni Rochelle Pangilinan.

KAUGNAY NA BALITA: KILALANIN: Mga macho-gwapitong napangasawa ng ilan sa SexBomb Girls

Tila kinuwestiyon din ni Alvin ang paraan daw ng pagsuporta ng asawa ng SB members na pawang mga naka-sexy costumes sa kanilang mga performance.

"Supporting your wives wearing sexy costumes? You, all of you Sexbomb Singers and Dancers wearing costumes na revealing na?" aniya.

MAKI-BALITA: ‘Ang dami kong dapat intindihin!’ Alex Castro, bumwelta sa tirada ni Alvin Aragon