May 22, 2026

Home BALITA National

Rep. De Lima, Fr. Flavie Villanueva nagsampa ng kaso sa NBI vs 18 ex-marines!

Rep. De Lima, Fr. Flavie Villanueva nagsampa ng kaso sa NBI vs 18 ex-marines!
Photo courtesy: Senate of the Philippines (FB), MB FILE PHOTO

Personal na nagtungo sina Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila de Lima at 2025 Ramon Magsaysay Award awardee Fr. Flavie Villanueva sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) upang magsampa ng reklamong cyber libel laban sa 18 nagpakilalang dating miyembro ng Philippine Marine at sa abogado nilang si Atty. Levito “Levi” Baligod nitong Lunes, Marso 9, 2026. 

KAUGNAY NA BALITA: De Lima, bibigyan ng leksyon si Baligod at 18 ex-marines?

Matatandaan kasing isa si De Lima sa mga opisyal na nabanggit sa isinapublikong joint affidavit ng 18 ex-marines na tumanggap umano ng mga maleta at paper bag na naglalaman ng salapi mula sa pondo ng pamahalaan noon. 

Dagdag pa rito, sinabi rin ni Baligod mula sa joint affidavit ng 18 ex-marines na galing daw kay dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co ang lahat ng naging gastos ni Fr. Villanueva para sa mga biktima at pamilya ng extrajudicial killings (EJK) na nasa kaniyang Bahay Kalinga. 

“Meron din silang [ICC investigators] na mga diumano ay EJK victims, families sa Bahay Kalinga ni Fr. Flavie Villanueva. At lahat ng gastos ni Fr. Flavie Villanueva ay sagot ni Zaldy Co,” ani Baligod sa isinagawa nilang press conference noong Pebrero 24, 2026. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

KAUGNAY NA BALITA: Security personnel ni Co, pinatotohanan testimonya ni Guteza; naghahatid umano ng male-maletang pera sa bahay ni PBBM

Ayon naman sa naging bagong pahayag ni De Lima habang nasa NBI nitong Lunes, Marso 9, 2026, muli niyang itinanggi ang umano’y nakatanggap siya ng male-maleta at malaking pera noon. 

“Kasi ang sinasabi nila noong una doon nga sa affidavit, parang isa ako daw sa mga nakatanggap ng male-maleta, na malaking pera Which is definitely not true,” aniya. 

Pagpapatuloy niya, pawang mga kasinungalingan daw ang mga naging akusasyon sa kaniya ni Baligod at ng 18 ex-marines. 

“Binago ni Atty. Levi Baligod, clinarify, paper bags daw. Again, not true. Sabi ko nga, I have not receive any such money saanman nakalagay ‘yan. Sa suitcase o sa paper bag, pawang kasinungalingan ‘yan,” diin niya. 

Samantala, sa naging tugon at pahayag ni Baligod sa kaniyang Facebook post nito ring Lunes, Marso 9, 2026, sinabi niyang handa raw silang harapin ang lahat akusasyon laban sa kanila at sana raw ay harapin din umano lahat ng nabanggit ng 18 ex-marines ang akusasyon sa mga ito. 

“We are ready and willing to face all accusations against us. I hope those mentioned in the Affidavit will also face our accusations,” ani Baligod. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Error on my part!' Atty. Baligod, nilinaw na walang natanggap na maleta ng pera si Rep. De Lima

KAUGNAY NA BALITA: Trillanes, kakasuhan 18 ex-marines, Baligod, Defensor, atbp!

Mc Vincent Mirabuna/Balita