May 22, 2026

Home SHOWBIZ

Giit ni Meg Imperial: Being an actress does not mean our job is to arouse men!

Giit ni Meg Imperial: Being an actress does not mean our job is to arouse men!
Photo Courtesy: Meg Imperial (FB)

Umalma ang aktres na si Meg Imperial sa maling pananaw ng marami tungkol sa kanilang trabaho bilang artista at celebrity.

Sa isang Facebook post noong Linggo, Marso 8, sinabi niyang ang pagiging aktres o celebrity ay hindi nangangahulugang trabaho nilang akitin ang kalalakihan.

“Being an actress or celebrity does not mean our job is to arouse men. Our work is for a much wider audience, not just for men,” saad ni Meg.

Dagdag pa niya, “Private desire is one thing. Saying it out loud in public is another, especially when you are a public servant. Sabi nga, with power comes responsibility, not only in how you serve, but in how you speak.”

Bukod dito, iginiit din ng aktres na hindi umano sila nagdadamit para sa kalalakihan kundi dahil ramdam nila na sila ay kumpiyansa, komportable, at nagagandahan sa kanilang sariling balat. 

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

“Hindi po lahat tungkol sa inyo. A woman dressing confidently is not an invitation for disrespect. Sana, those in power use their voice to uplift people, not to normalize remarks that reduce women to objects,” dugtong pa ni Meg.

Matatandaang inakusahan kamakailan ni Atty. Ferdinand Topacio ang aktres na si Jasmine Curtis na ang pagpapaseksi umano nito ay nakabase sa kagustuhan nitong mapagnasahan.

Maki-Balita: Atty. Topacio bumanat kay Jasmine: 'Ba't ka nagpo-post ng bikini pictures, 'di ba para pagnasahan?'

Binuweltahan naman ni Jasmine ang pahayag na ito ni Topacio at diretsang sinabing dugyot umano ang abogado.

Maki-Balita: 'Dugyot ka!' Jasmine Curtis, nainis sa mga sinabi ni Atty. Ferdie Topacio sa bikini pics niya