March 08, 2026

Home SHOWBIZ Events

‘Pause lang, hinga muna!’ UAE Tour ng SexBomb Girls, rescheduled!

‘Pause lang, hinga muna!’ UAE Tour ng SexBomb Girls, rescheduled!
Photo courtesy: Danielle Sheen Hartmann (FB)

Naunsyami ang nakatakdang concert tour ng SexBomb Girls sa United Arab Emirates (UAE) bunsod ng nagpapatuloy na sigalot ng mga bansa sa Middle East. 

“May konting plot twist tayo… ang UAE tour natin ay ma-re-reschedule muna,” update ng SexBomb Girls sa kani-kanilang social media posts nitong Sabado, Marso 7. 

Habang wala pang opisyal na bagong schedule, tiniyak nila na hindi ito cancellation, at agad naman nilang iaanunsyo ang mga magiging pagbabago rito sa kanilang fans. 

“Hindi ito cancel, ha. Pause lang. Hinga muna,” anila. 

“UAE, maghihintay lang ang kembot — pero babalik ‘yan. Get get aww!” dagdag pa ng OPM icons. 

Events

Heart Evangelista, umawra nang walang bra sa Paris Fashion Week!

Ang UAE concert tour ay dapat gagawin sa darating na Marso 27 sa Dubai at Marso 28 naman sa Abu Dhabi, UAE. 

Samantala, tuloy pa rin ang SexBomb sa Cagayan de Oro sa Marso 28, bilang parte ng kanilang regional concert tour. 

“Sinimulan sa Luzon, papainitin din ang Visayas sa Tacloban…ngayon naman MINDANAO na! ” saad ng SexBomb Girls sa kanilang social media. 

“Pa-isa-isang nililibot ang Pilipinas. CDO… ready na ba kayo sa susunod na rAWnd?” anila pa. 

Matatandaang inihataw na rin ng OPM icons ang kauna-unahan nilang regional concert sa Tacloban City noong Marso 14. 

MAKI-BALITA: Unang regional concert tour ng SexBomb, ihahataw na sa Marso!

Sean Antonio/BALITA