March 08, 2026

Home BALITA Internasyonal

Emirates, nagsuspinde ng flights patungo at paalis ng Dubai

Emirates, nagsuspinde ng flights patungo at paalis ng Dubai
Photo courtesy: Emirates (website)

Sinuspinde ng Emirates Airlines ang lahat ng kanilang biyahe patungo at paalis ng Dubai ngayong Sabado, Marso 7, habang nagpapatuloy ang pagtaas ng tensyon sa Middle East. 

Ayon sa ilang ulat ng international media, ang update ay inanunsyo matapos marinig ang isang pagsabog sa Dubai Airport, kasunod ang pag-angat ng usok mula rito. 

Base pa sa mga ulat na ito, namataan din sa Flightradar24 tracking website ang pag-ikot ng mga sasakyang-panghipapawid sa airport. 

Matatandaang isang linggo na ang nakararaan nang unang inanusyo ni US Pres. Donald Trump ang pagsisimula ng kanilang pag-atake sa bansang Iran sa umano’y layong pagprotekta sa mga Amerikano laban sa rehimen nito. 

MAKI-BALITA: US Pres. Donald Trump, inanunsyo simula ng major combat operation vs Iran!

Internasyonal

Sundalong Fil-am, kabilang sa mga nasawi sa giyera ng Iran-US

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Bakit inatake ng US at Israel ang Iran na nagdulot ng tensyon sa Middle East?

Sean Antonio/BALITA