May 22, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Tuesday, nabahala sa umano’y tangkang pananampal ni WIllie sa dancer-host ng ‘ Wilyonaryo’

Tuesday, nabahala sa umano’y tangkang pananampal ni WIllie sa dancer-host ng ‘ Wilyonaryo’
Photo Courtesy: Tuesday Vargas (FB), Screenshot from Wilyonaryo (YT)

Nagbigay ng reaksiyon ang komedyanteng si Tuesday Vargas sa ikinilos ni “Wilyonaryo” host WIllie Revillame matapos magkamali ng sambit ang dancer-host ng programa na si “Elay.”

Matatandaang sa isang episode kamakailan ng “Wilyonaryo,” habang dini-deliver ng dancer-host ang kaniyang linya, “titi” ang nasabi nito sa halip na “ticket.”

"Happy Thursday, everyone! Luzon, Visayas, at Mindanao! Hawakan na ang mga titi... hawakan na ang mga ticket at tumutok sa Wilyonaryo!" natatawang sabi niya.

Pero sa latest Facebook post ni Tuesday nitong Biyernes, Marso 6, sinabi niyang hindi raw siya nababahala sa maling nasabi ni Elay.

“Hindi ako nabahala sa ‘Hawakan ang mga ’ Nabahala ako sa sinabi nung main host at nang mwestra pa na parang mananampal ng babae sabay sabi ‘hahampasin kita dyan eh,’” saad ni Tuesday.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Dagdag pa niya, “Kelan at sino ba ang nagsabi na normal gawin yan? Reviewhin nyo yung footage.”

Ang Wilyonaryo, ay bagong programa ni Willie matapos ang "Wil To Win," at ito na rin ang pagbabalik niya sa telebisyon matapos ang senatorial race, kung saan, hindi siya pinalad na manalo.

Ngunit sa kabila ng pagbabagong-bihis ng programa, hindi pa rin maiwasang mapansin ng mga tagasubaybay ang panenermon ni Willie sa ilang staff niya.

Maki-Balita: Ayaw paawat? Willie Revillame, nanermon na naman habang nakaere!