Nasawi ang isang pahinante matapos siyang magulungan ng kanilang truck habang natutulog sa ilalim nito, sa Dumaguete City.
Ayon sa mga ulat, hindi umano nagising ang lalaki kahit nang paandarin na ng driver ang kanilang truck bunsod umano ng pagod sa mahaba nilang biyahe.
Depensa nmaman driver, hindi raw niya alam na may tao pa sa ilalim ng truck nang subukan niya itong paandarin upang i-park daw nang maayos.
Samantala, kaagad namang sumuko ang driver sa pulisya.
Nakabinbin pa ang kaukulang kaso laban sa driver habang pinag-aaralan kung sasampahan pa siya ng reklamo o hindi na.