March 08, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Misis ni Nikko Natividad, nagsalita na: ‘Masakit na masakit!’

Misis ni Nikko Natividad, nagsalita na: ‘Masakit na masakit!’
Photo Courtesy: Cielo Eusebio, Nikko Natividad (FB)

Tinuldukan na ng misis ni Nikko Natividad na si Cielo Eusebio ang kaniyang pananahimik sa gitna ng isyung kinasasangkutan ng kaniyang mister.

Sa latest Facebook post ni Cielo nitong Biyernes, Marso 6, inilarawan niya ang sakit na nararamdaman niya.

“I’m not pretending like nothing happened. I feel the pain every single day. Masakit na masakit,” saad ni Cielo.

“I acknowledge his mistakes,” pagpapatuloy niya, “and I know this is something that could have been avoided. I even prayed and asked God many times na sana panaginip lang lahat… but it’s not. Nangyare na ang nangyare. And now we have to face it.”

Kaya naman umapela siya sa publiko na huwag na siyang pagsabihan pang wala siyang pagpipilian kaya hindi niya maiwan si Nikko.

Tsika at Intriga

Wala raw kadala-dala! Ai Ai Delas Alas, nagsalita sa isyung engaged na naman siya

Aniya, “Meron akong choice at eto ang pinili ko ang magpatuloy. This is not just about me as a wife anymore. It’s about us as a family.“

Sa kasalukuyan, pinipili raw ng mag-asawa na magpatatag at ayusin ang lahat. 

Samantala, sa latest Facebook post naman ni Nikko noong Huwebes, Marso 6, mababasa ang matipid na paghingi niya ng paumahin.

“I’m sorry,” sabi niya.

Matatandaang kabilang si Nikko sa apat na lalaking tampok sa sex scandal na kumalat kamakailan. Ang tatlong iba pa ay sina Ron Angeles, Gil Cuerva, at Arron Villafor.