March 08, 2026

Home BALITA Politics

Mga nakatanggap ng maleta, ekis kredilidad para hawakan impeachment case ni VP Sara—Atty. Respicio

Mga nakatanggap ng maleta, ekis kredilidad para hawakan impeachment case ni VP Sara—Atty. Respicio

Kuwestiyonable na raw na maituturing ang kredibilidad ng ilang Solon na pinangalanang nakatanggap ng male-maletang pera mula kay dating Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co, kung hahawakan pa nila ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Reina Mercedes Vice Mayor Atty. Harold Respicio nitong Biyernes, Marso 6, 2026, bagama’t wala siyang binanggit na direktang pangalan, kinuwestiyon naman niya kung may kredibilidad pa raw na magbigay ng hustisya ang isang mambabatas na nakasulat na nakatanggap ng limpak-limpak na pera.

“Mayroong question ng credibility, kung sino yung nakaupo na huhusga sa’yo, dapat impartial siya, pero kapag na-demonstrate mo na nakaka-receive siyang pera, mayroon ba siyang standing para mag-dispense ng tamang hustisya? Hindi ‘di ba?” saad ni Respicio.

Dagdag pa niya, “Kung sila mismo yung nasabihan na naka-receive ng pera, dapat hindi na sila mag-participate sa public hearings.”

Matatandaang isa sina Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila de Lima at House Justice Committee Chairman Gerville Luistro sa mga pinangalanan ng 18 Marines na tumanggap umano ng male-maletang mga pera mula kay Co.

Politics

Hanash ni Retired Gen. Poquiz: Mga nakatanggap ng maleta ang dapat kasuhan!

Kaugnay nito, nauna nang nilinaw ni Atty. Levi Baligod na na nagkaroon daw siya ng pagkakamaling maisama sa listahan ng 18 Marines ang pangalan ni De Lima.

“Ang binabanggit kasi nila noon  ay nakakasama siya sa mga meeting patungkol sa ICC. Kaya nilagay ko na lamang siya sa mga miyembro ng Congress. Pupwede pong error yun on my part,” anang abogado.

“Pero yun po ang sinasabi nila na si Congresswoman Leila de Lima ay pumupunta sa townhouse na 'yon at paglabas n'ya ay mayroon siyang bitbit na paper bag na pera ang laman no’n, kasi familiar sa amin yung paper bag dahil kami ang bumibili ng mga paper bags na 'yan at kami rin ang nagdadala,” ani Atty. Baligod.

KAUGNAY NA BALITA: 'Error on my part!' Atty. Baligod, nilinaw na walang natanggap na maleta ng pera si Rep. De Lima