Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) at pamunuang Light Rail Transit Authority (LRTA) ang libreng parking sa Legarda Station simula sa Lunes, Mayo 25.
Ang nasabing libreng parking ay bukas sa mga motorista simula 4:00 AM hanggang 11:30 PM at nasa “first come, first-served” basis.
Ipinaalala rin ng DOTr at LRT-2 sa mga motorista na tiyaking naka-lock at secured ang kanilang sasakyan at personal na gamit bago umalis sa parking area, at iwasang mag-iwan ng mahahalagang gamit sa loob ng sasakyan, dahil hindi responsable sa pagkawala ng mga kagamitan o sira ang pamunuan.
Upang ma-avail ang libreng parking, kinakailangan lamang kuhanin ng mga motorista ang parking stub mula sa security personnel sa Legarda Parking Area.
Matatandaang inilunsad din ang kauna-unahang libreng parking sa LRT-2 Santolan Station noong Abril, bilang isa sa mga tulong ng pamahalaan sa commuters sa kasagsagan ng kinahaharap sa krisis sa langis ng bansa.
MAKI-BALITA: LRT-2, may ‘libreng parking’ para sa mga pasahero simula Abril 27