May 22, 2026

Home BALITA National

Sen. Bato, bumaba sa Makati noong madaling-araw ng Huwebes—Sen. Padilla

Sen. Bato, bumaba sa Makati noong madaling-araw ng Huwebes—Sen. Padilla
Photo courtesy: File Photo, PCO

Inihayag sa publiko ni Sen. Robin Padilla na sa Makati raw bumaba ang kapuwa niya senador na si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa matapos nitong makisakay sa kaniya noong madaling-araw ng Mayo 14, 2026. 

Ayon sa inilabas na press release ng opisina ni Padilla sa media nitong Biyernes, Mayo 22, 2026, nauna muna nilang ilahad na naninindigan daw ang senador na hindi nito tinakas si Dela Rosa. 

“Paano kami tatakas? Ang daming pulis sa loob at labas ng Senado, may CCTV pa. Wala namang humarang sa amin,” ani Padilla.

Dagdag pa niya, “Ang sabi ni Sen. Bato, sasabay na ko. Alangan naming tanggihan ko yun? Walang sasakyan si Sen. Bato dahil inihatid lang sya sa Senado ng sasakyan ni Senador Alan Peter Cayetano.” 

KAUGNAY NA BALITA: 'Walang humarang sa amin!' Sen. Robin, mariing tinangging tinakas niya si Sen. Bato

National

'Walang humarang sa amin!' Sen. Robin, mariing tinangging tinakas niya si Sen. Bato

Kasunod nito, mababasa rin na binanggit sa press release ng opisina ni Padilla na bumaba raw si Dela Rosa sa Makati at doon na ito sinundo ng sarili nitong sasakyan. 

Ani umano ni Padilla, hindi na raw niya tinanong kung saang lugar na pupunta si Dela Rosa matapos nitong makatakas sa mga awtoridad sanhi ng inisyung arrest warrant International Criminal Court (ICC) laban dito. 

“Bumaba umano si Sen. Bato a Makati kung saan sya sinundo ng sarili nitong sasakyan. Sinabi ni Padilla na hindi na niya tinanong si Sen. Bato kung saan ito papunta,” nakasaad sa press release ng opisina ni Padilla. 

Samantala, nanindigan din si Padilla na hindi raw matatawag na”fugitive” o pugante sa batas ang kasamahan niyang si Dela Rosa dahil kailangang daw idaan sa sariling proseso ng bansa ang pagtugis sa kapuwa niya senador.

“Para sa akin, hindi siya fugitive. Hindi ko matanggap na basta na lang natin tatawaging ganoon dahil sinabi ng dayuhan. Kailangan din nating igalang ang sarili nating proseso bilang bansa,” ani Padilla. 

Pagpapatuloy ni Padilla, may mas marami raw usapin sa bansa ang dapat pagtuunan at dapat din daw panagutin ang lahat dapat managot kung talagang gustong malinis ng marami ang gobyerno.

“Ang dami pa nating dapat pag-usapan - trabaho, tamang sweldo, aksyon laban sa korapsyon. Kung gusto nating linisin ang gobyerno, dapat lahat. Huwag tayong mamili,” pagtatapos pa niya. 

Sa kasalukuyan, hindi pa muling namamataan ng publiko ang presesnya ni Dela Rosa mula nang makaalis ito sa Senado noong Mayo 14. 

Sa kabila ito ng hindi naging pag-apruba ng Korte Suprema sa petisyon ng kampo ni Dela Rosa na maglabas ng temporary restraining order (TRO) sa inisyung arrest warrant ng ICC at naging pag-aanunsyo ng Department of Justice (DOJ) na “enforceable” daw ang naturang arrest warrant ng international court. 

KAUGNAY NA BALITA: Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Risa kay Sen. Bato: 'Igalang batas, mag-submit sa alagad at proseso ng batas!'