May 21, 2026

Home BALITA National

Sen. Risa kay Sen. Bato: 'Igalang batas, mag-submit sa alagad at proseso ng batas!'

Sen. Risa kay Sen. Bato: 'Igalang batas, mag-submit sa alagad at proseso ng batas!'
Photo courtesy: File Photo

Nanawagan si Sen. Risa Hontiveros sa kapuwa niya senador na si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na igalang ang batas at makipagtulungan na raw ang huli sa mga awtoridad. 

Pagkatapos ito ng naging anunsyo ng Department of Justice (DOJ) nitong Huwebes, Mayo 21, 2026, na “enforceable” raw ang arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban kay Dela Rosa. 

Matatandaan ding hindi inaprubahan ng Korte Suprema noong Miyerkules, Mayo 20, ang petisyon ng kampo ni Dela Rosa na maglabas ng temporary restraining order (TRO) sa kabila ng naturang arrest warrant. 

KAUGNAY NA BALITA: Finding Bato? Sen. Dela Rosa, 'fugitive' na ayon kay DOJ Sec. Vida!

Ayon naman sa naging pahayag ni Hontiveros nito ng Huwebes, Mayo 21, sinabi niyang laging ang batas ang mananaig at dapat daw na respetuhin ito ng lahat pati na rin ang legal na prosesong kaakibat nito. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

“The rule of law should always prevail. Dapat manaig ang pagrespeto sa batas at prosesong legal,” pagsisimula niya. 

Pag-uulit ni Hontiveros, muli raw siyang mananawagan kay Dela Rosa na mag-submit na sa mga alagad ng batas at igalang ang kautusan nito.

“Inuulit ko ang aming panawagan kay Senator Dela Rosa: Igalang ang batas, at mag-submit at makipagtulungan sa mga alagad at proseso ng batas,” saad niya. 

Ani Hontiveros, ipinagdarasal daw niya ang mapayapa makatarungang resolusyon sa sitwasyong kinakaharap ni Dela Rosa na may epekto na rin daw sa maraming institusyon at maging sa buong bansa. 

“I pray for the peaceful and lawful resolution of this situation which has already affected multiple institutions, and the entire country itself,” aniya. 

“May justice be served,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, hindi pa naman muling namamataan ng publiko ang presensya ni Dela Rosa matapos niyang makatakas sa mga awtoridad at makaalis sa Senado noong madaling-araw ng Huwebes, Mayo 14, 2026. 

KAUGNAY NA BALITA: DOJ, humiling na ng Red Notice sa Interpol vs Sen. Bato!

KAUGNAY NA BALITA: 'There are consequences!' DOJ, nagbabala sa mga tumutulong kay Sen. Bato