BRIDE < BRAD
Problema ang idinulot ng isang tradisyunal na Muslim wedding matapos madiskubre ang sikreto ng isang bride na naikasal sa 16 taong gulang na binatilyo.
Ayon sa mga ulat, nagpanggap umanong babae ang bride at hindi ito natuklasan ng pamilya na natuklasan na lamang daw sa araw din ng kanilang kasal—subalit huli na ang lahat dahil naisagawa na ang seremonya nang magkabistuhan ang dalawang panig.
Ilang tao raw ang nagbunyag sa araw ng kasal ng biktima at iginiit na matagal na nilang kilala ang kaniyang bride na hindi totoong babae.
Isang video rin ang ipinakita umano sa ina ng biktima kung saan nakumpirmang hindi totoong babae ang bride na pinili niya para sa kanilang anak.
Samantala, hindi naman itinanggi ng lalaki ang alegasyon sa kaniya at inamin ang totoo niyang kasarian.
Labis ang pagkadismdaya ng mga biktima lalo pa’t labag daw sa kanilang paniniwala ang nangyaring kasal sa kaparehong kasarian.
Hindi rin umano humingi ng paumanhin ang nanlokong bride sa biktima at pamilya nito at hindi pa tukoy ang kaniyang motibo.
Namagitan naman ang lokal na pamahalaan ng Sultan Kudarat at inabisuhan ang mga biktima na sila na raw ang mag-aayos ng legal na proseso upang agawang mapawalang-bisa ang kasal ng binatilyo at ng lalaking nagpanggap na bride.