March 08, 2026

Home SHOWBIZ

'Mabababa ang functional literacy!' Vice Ganda, binanatan toxic fans ng PBB housemates

'Mabababa ang functional literacy!' Vice Ganda, binanatan toxic fans ng PBB housemates
Photo Courtesy: Vice Ganda, PBB (FB)

Nakatikim ng maaanghang na salita mula kay Unkabogable Star Vice Ganda ang mga toxic fans ng Pinoy Big Brother (PBB) housemates.

Sa latest X post ni Vice nitong Biyernes, Marso 6, diretsahan niyang sinabi na mabababa umano ang functional literacy ng ilan sa mga ito.

Aniya, “Madami nga talagang toxic na fans ang mga PBB housemates. Mabababa ang functional literacy.”

“Kaya napapabuntong hininga na lng ang mga staff ng show pag guest yang housemates e kasi for sure may mga fantards na konting utot magmamaoy. Imbis na maexcite ang staff nasstress,” dugtong pa ni Vice.

Bilang halimbawa, ibinahagi niya ang isang X post na nag-aakusang ninang umano siya ng anak ni Karla Estrada na si Lella Estrada, na itinanghal na Big Winner kamakailan para sa PBB: Celebrity Collab Edition 2.0.

Tsika at Intriga

Wala raw kadala-dala! Ai Ai Delas Alas, nagsalita sa isyung engaged na naman siya

“Kelan ako naging ninang ni Lella??? Di ko nga alam kung nabinyagan na yan e! To naman makagawa lang ng chika,” saad ng Unkabogable Star.

Dagdag pa niya, “Magbasa basa ka na nga lng ng libro na bata ka para kahit papano maging smart ka. Go start na sa page 1.”

Nagsilbing guest si Lella sa “Laro Laro Pick” ng “It’s Showtime” nitong Biyernes, Marso 6, kasama ang kapuwa niya Big Winner na si Caprice Cayetano. 

Sa isang bahagi ng programa, nagbigay ng paalala si Vice para sa fans ng dalawang Big Winner.

“Sa lahat ng mga fans,” sabi ni Vice, “all of you are appreciated, but please don't forget to be kind. Dapat masaya lang tayo. Suportahan natin ang bawat isa sa masayang pamamaraan. [...] 'Wag n'yong bibigyan ng sakit ng ulo ang mga idols ninyo.”