March 06, 2026

Home BALITA Metro

‘Libreng Sakay,’ ng MRT-3 para sa kababaihan, lalarga sa Marso 9!

‘Libreng Sakay,’ ng MRT-3 para sa kababaihan, lalarga sa Marso 9!
Photo courtesy: MB

Ilalarga ng MRT-3 ang kanilang pa-“libreng sakay” para sa kababaihan sa darating na Lunes, Marso 9, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng International Women’s Month. 

Ayon sa anunsyo ng MRT-3, ang libreng sakay ay raratsada mula 7:00 AM hanggang 5:00 AM at 5:00 PM hanggang 7:00 PM. 

Saad pa ng MRT-3, ang inisyatibang ito ay nagsisilbi na ring pasasalamat sa ambag ng bawat babae sa lipunan. 

Matatandaang inanunsyo rin ng pamunuan ng LRT-2 ang kanila ring libreng sakay para sa kababaihan sa Linggo, Marso 8, mula 7:00 AM hanggang 9:00 AM at 5:00 PM hanggang 7:00 PM. 

“Sa bawat biyahe ng kababaihan—bilang lider, manggagawa, ina, estudyante, at tagapagtaguyod ng pagbabago—nararapat lamang silang kilalanin at ipagdiwang. Ang libreng sakay na ito ay munting handog bilang pagpupugay sa kanilang lakas, dedikasyon, at inspirasyon sa ating bansa,” pagbati ni LRTA Administrator Hernando Cabrera. 

Metro

Nag-viral na surot sa MRT-3, agad ininspeksyon!

MAKI-BALITA: ‘Libreng Sakay,’ iraratsada ng LRT-2 para sa kababaihan!

Sean Antonio/BALITA