May 22, 2026

Home BALITA National

Work-from-home, online class, itinutulak ng Parañaque solon dahil sa banta ng oil price hike!

Work-from-home, online class, itinutulak ng Parañaque solon dahil sa banta ng oil price hike!

Iminungkahi ng isang mambabatas ang pagpapatupad ng four-day workweek at online classes para sa mga estudyante upang maibsan ang posibleng epekto ng inaasahang pagtaas ng presyo ng langis dulot ng tensyon sa Middle East.

Sa isang pahayag, sinabi ni Parañaque City 2nd district Rep. Brian Raymund Yamsuan, na dapat nang maghanda ang pamahalaan at pribadong sektor sa mga hakbang na makatutulong sa mga manggagawa at estudyante kung magpapatuloy ang pagtaas ng presyo ng petrolyo.

“We should act fast to ease the burden on our countrymen if oil prices continue to spike. We call on the government and the private sector to start planning the temporary transition to work-from-home setups for employees, and for schools to prepare for online classes,” ani Yamsuan.

Dagdag pa niya, “These are the steps that we can immediately take para makatulong sa ating mga kababayang unang tatamaan ng epekto nang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis kung magtagal pa ang krisis sa Middle East.”

Nauna nang sinabi ng Malacañang na maaaring pag-aralan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang four-day workweek bilang bahagi ng mga hakbang upang makatipid sa enerhiya.

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

KAUGNAY NA BALITA: Palasyo sa Four-day workweek proposal: ‘Maaaring pag-aralan ng Pangulo’

Samantala, iminungkahi rin ni Sherwin Gatchalian ang apat na araw na pasok sa trabaho kung saan isa sa mga araw ay work-from-home arrangement.

Ayon naman sa Department of Energy, posibleng tumaas ng hanggang ₱10 kada litro ang presyo ng mga produktong petrolyo sa mga susunod na linggo kung lalala pa ang tensyon sa Middle East.

Nagsimula ang sigalot matapos ilunsad ng Estados Unidos at Israel ang Operation Epic Fury, isang serye ng airstrikes na tumarget sa pamahalaan ng Iran upang pigilan umano ang missile program nito na itinuturing na banta sa seguridad ng rehiyon.