March 07, 2026

Home BALITA Probinsya

Pulubing nandekwat ng baril ng pulis, sugatan matapos maputukan ang sarili

Pulubing nandekwat ng baril ng pulis, sugatan matapos maputukan ang sarili

Sugatan ang isang lalaking palaboy matapos itong tamaan ng bala mula sa baril na umano’y inagaw niya sa isang pulis sa Baguio City.

Ayon sa mga ulat, makikita sa CCTV footage ang lalaki na naglalakad sa kalsada patungo sa Magsaysay Avenue habang nakasunod sa kaniya ang ilang pulis.

Ayon kay Marcy Grace Marron, tagapagsalita ng Baguio City Police Office, bigla umanong nakasalubong ng pulis ang lalaki na may hawak na kutsilyo.

“Habang naglalakad itong pulis natin ay biglang nakasalubong n’ya itong lalaking palaboy. Actually, may dala itong kutsilyo nang biglang hinablot n’ya ang baril ng pulis,” ayon kay Marron.

Pagsapit sa bahagi ng lower Magsaysay Avenue, pinaputok umano ng lalaki ang baril sa pababang direksyon.

Probinsya

Pahinanteng natutulog, patay matapos magulungan ng truck!

Gayunman, bahagyang tumama sa kaniyang balakang ang bala kaya agad siyang isinugod sa pagamutan.

Kalaunan ay napag-alaman ng mga awtoridad na residente ng Santiago City sa Isabela ang 29-anyos na lalaki. 

Ayon pa sa pulisya, hindi na nito matukoy ang eksaktong tirahan at maging ang kaniyang mga kamag-anak.

Mahaharap ang lalaki sa kasong direct assault at illegal discharge of firearms, habang sinabi naman ng pulisya na paiigtingin ang pagmo-monitor sa mga palaboy sa lungsod upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.