March 08, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Dancer-host ng Wilyonaryo, usap-usapan; hawakan ang mga tit* ang nasabi imbes na ticket!

Dancer-host ng Wilyonaryo, usap-usapan; hawakan ang mga tit* ang nasabi imbes na ticket!
Photo courtesy: Screenshots from Wilyonaryo/FB

Usap-usapan sa social media ang isa sa mga dancer-host ng bagong game show ni Willie Revillame na "Wilyonaryo" matapos siyang magkamali sa salitang nasabi niya habang umeere ang programa sa free TV at online.

Ang Wilyonaryo, ay bagong programa ni Willie matapos ang "Wil To Win," at ito na rin ang pagbabalik niya sa telebisyon matapos ang senatorial race, kung saan, hindi siya pinalad na manalo.

Napapanood ito tuwing tanghali, katapat ng "It's Showtime" at "Eat Bulaga."

Napapanood ang programa sa WilTV, Cignal Play, SatLite, at sa mismong social media platforms nito. 

Kumakalat sa social media ang video clips ng dancer-host na nagkamali sa kaniyang nasabing salita.

Tsika at Intriga

Wala raw kadala-dala! Ai Ai Delas Alas, nagsalita sa isyung engaged na naman siya

Sa halip na "ticket" ang mabigkas niya, "titi" o maselang bahagi ng katawan ng lalaki ang nasabi niya.

Sa Thursday episode, Marso 5, tinawag ni Kuya Will ang dancer-host na si "Elay," na pumunta naman sa harapan habang sumasayaw sa saliw ng "Buksan Mo" at binigyan siya ng mikropono.

"Bumati ka muna, go!" saad ni Kuya Wil.

"Happy Thursday, everyone! Luzon, Visayas, at Mindanao! Hawakan na ang mga titi... hawakan na ang mga ticket at tumutok sa Wilyonaryo!" natatawang sabi niya.

To the rescue naman si Willie at itinuwid ang nabanggit na dancer-host.

"Hawakan ang mga ticket, that's right!" aniya.

Natatawang pinaulit ni Willie kay Elay ang nabanggit na pahayag para maitama.

In fairness naman, hindi naman tinalakan nang live ni Willie ang nabanggit na dancer-host.

Kasisimula pa lang ng Wilyonaryo noong Enero 27, 2026, kaya biro ng mga netizen, mukhang may notice daw agad silang matatanggap mula sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Maki-Balita: Wilyonaryo ni Willie, nagsimula na; makakabangga ng It's Showtime at Eat Bulaga!

Wala pa namang abiso sa programa ang MTRCB habang isinusulat ang artikulong ito.