May 22, 2026

Home BALITA National

VP Sara kay Madriaga: 'Di maaaring gamitin imbentong kwento para linlangin publiko!'

VP Sara kay Madriaga: 'Di maaaring gamitin imbentong kwento para linlangin publiko!'
Photo courtesy: VP Sara Duterte (FB)

Bumuwelta si Vice President Sara Duterte na hindi raw puwedeng gamitin ng nagpakilalang “bag man” niya noon na si Ramil Madriaga ang umano’y mga imbentong kuwento nito upang malinlang ang publiko. 

Matatandaang personal na nagtungo si VP Sara Duterte sa Office of the Prosecutor sa Taguig upang magsampa ng perjury complaint laban kay Madriaga nitong umaga ng Miyerkules, Marso 4, 2026. 

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, magsasampa ng kaso laban kay Ramil Madriaga!

Matapos nito, naglabas na opisyal na pahayag si VP Sara sa kaniyang Facebook page nito ring Miyerkules, Marso 4, 2026 kung saan nagawa niyang balikan ang umano’y pag-asa ng International Criminal Court (ICC) sa mga binili at gawa-gawa raw na salaysay laban sa kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte. 

“Nakita na natin kung paano umasa ang kaso sa International Criminal Court laban kay Dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga binili o gawa-gawang salaysay ng mga testigo ni Antonio Trillanes, tulad nina Arturo Lascañas at Edgar Matobato,” mababasa sa simula ng kaniyang pahayag. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Dagdag niya, “Kung noon pa lamang ay kinuwestiyon at kinasuhan ang mga kasinungalingang ito, hindi sana nagamit sa ICC ang mga ito laban sa Dating Pangulo.” 

Photo courtesy: VP Sara Duterte (FB)

Photo courtesy: VP Sara Duterte (FB)

Ani VP Sara, nakikita raw nilang tila nauulit na naman daw ang taktika ng Kamara laban sa kaniya sa pamamagitan ng paggamit kay Madriaga sa at sa sinumpaan nitong affidavit noon. 

“Nakikita rin natin na tila inuulit na naman sa House of Representatives ang parehong taktika sa pamamagitan ng kanilang tinatawag na testigo na si Ramil Madriaga,” aniya. 

Pag-aakusa niya, “Si Madriaga ay isang akusado sa kasong kidnapping na nagpanggap na campaign supporter at mula roon ay biglang lumitaw bilang testigo kuno sa impeachment laban sa akin.” 

Pagpapatuloy ng bise presidente, dahilan daw ang mga nauna niyang sinabi upang sampahan ng kasong perjury si Madriaga dahil hindi raw nito maaaring gamitin ang mga umano’y mga imbentong kuwento upang malinlang ang publiko. 

“Dahil dito, ngayong araw ay naghain ako ng kasong perjury laban kay Ramil Madriaga upang tuluyang mapanagot siya sa kanyang mga kasinungalingan,” saad niya. 

“Hindi maaaring hayaang gamitin ang mga imbentong kwento upang linlangin ang publiko,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na reaksyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Madriaga kaugnay rito. 

KAUGNAY NA BALITA: Impeachment complaints laban kay VP Sara, 'sufficient in substance!'—House Committee on Justice

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, 'di tutok sa deliberasyon ng impeachment niya: 'Marami akong ginagawang trabaho!'

Mc Vincent Mirabuna/Balita