March 11, 2026

Home BALITA National

VP Sara, 'di tutok sa deliberasyon ng impeachment niya: 'Marami akong ginagawang trabaho!'

VP Sara, 'di tutok sa deliberasyon ng impeachment niya: 'Marami akong ginagawang trabaho!'
Photo courtesy: File Photo, HOR (YT)

Inihayag sa publiko ni Vice President Sara Duterte na marami umano siyang ginagawang trabaho kaya hindi niya tinututukan ang deliberasyon ng Kongreso sa impeachment complaints laban sa kaniya. 

Kaugnay nito, kasalukuyang nagsasagawa ikatlong pagdinig ang House Committee on Justice para sa deliberation nila sa tatlong impeachment complaints na inihain ng iba’t ibang mga grupo laban kay VP Sara, nagsimula ito noong Lunes, Marso 2, 2026. 

KAUGNAY NA BALITA: House Committee on Justice, nangakong magiging patas sa impeachment ni VP Sara

Ayon sa naging pahayag ni VP Sara nitong Miyerkules, Marso 4, 2026, sinabi niyang marami raw siyang ginagawang trabaho at hindi prayoridad ng Office of the Vice President (OVP) na tutukan ang deliberasyon ng Kongreso sa impeachment complaints laban sa kaniya. 

“Marami akong ginagawa na trabaho, e. So hindi ‘yan ‘yong prayoridad ngayon ng Office of the Vice President,” saad niya. 

National

Sen. Robin, nakiisa sa petisyong 'Tay, Kami Naman' para kay FPRRD sa harap ng SC!

Matapos ito ng naging pagpunta ni VP Sara kasama ang abogadong si Atty. Paolo Panelo, Jr., sa Taguig at personal niyang pagsasampa ng kasong perjury complaint sa Office of the Prosecutor ng nasabing siyudad laban sa nagpakilalang “bag man” at “aide” umano niya noon na si Ramil Madriaga. 

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, magsasampa ng kaso laban kay Ramil Madriaga!

Samantala, hindi naman na nagbigay pa ng pahayag o karagdagang impormasyon ang bise presidente kaugnay sa pagsasampa nila ng kaso. 

Kaugnay nito, parte ang notarized affidavit na isinumite noon ni Madriaga sa Office of the Ombudsman bilang isa mga basehan ng mga gumugulong impeachment complaint ngayon sa House Committee on Justice laban kay VP Sara.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) si Madriaga at may mga bali-balitang lilitaw umano ito sa deliberasyon ng House Committee on Justice sa impeachment complaints laban kay VP Sara.

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, itinanggi personal na relasyon kay Ramil Madriaga

KAUGNAY NA BALITA: BJMP, kailangang masigurado kaligtasan ni Ramil Madriaga—Leila De Lima

Mc Vincent Mirabuna/Balita