March 06, 2026

Home FEATURES Trending

‘Na-reality check?’ Netizen, na-culture shock sa isang parke sa Maynila

‘Na-reality check?’ Netizen, na-culture shock sa isang parke sa Maynila
Photo courtesy: screengrab from Mam Zara/FB

Normal nang kung tutuusin ang maingay, abala at nagmamadaling lunsgod ng Maynila. ‘Ika nga nila, hindi ka hihintayin ng naturang lungsod sa pag-usad nito sa araw-araw.

Subalit, isang Facebook post ang umani ng samu’t saring mga reaksiyon mula sa netizens matapos ang ibinahaging video ng FB user na si Mam Zara. Sa naturang video kasi mapapanood ang tila samu’t saring eksenang nangyayari sa maliit na parke ng Liwasang Bonifacio sa Maynila.

Batay sa caption ng naturang video, tila maku-culture shock. Dagdag pa niya sa comment section, napakarami raw kasing nangyayari nang sabay-sabay.

“It’s just a random reaction po kasi daming nangyayari jan (such as may naga skate, naligo, naglaba), hindi po situation nila ang tinatawanan ko,” ani Mam Zara.

Samantala, may mga netizens din na nagpaliwanag na matagal nang nagiging pansamantalang paliguan at labahan ang ilang bahagi ng parke dahil sa kakulangan ng tirahan at maayos na pasilidad ng ilang indibidwal sa lungsod.

Trending

ALAMIN: Paano nga ba umaarangkada ang impeachment process sa Kamara at Senado?

“Habang buhay kong sisisihin ang sistema ng Pilipinas!”

“Aminin n’yo walang ganiyan sa probinsya.”

“‘Wag na pagtwanan they are homeless.”

“Nakakatawa ba ‘yan? It’s the reality ng poverty sa Maynia.”

“They’re trying their best to survive!”

“‘Di ‘yan tungkol sa pagiging tagalog vs. bisaya, pareho lang na biktima ng sistema!”

“Ang dami lang kasi nabubudol na maganda buhay sa Maynila.”

“Dapat may public restrooms talaga.”

“It’s the failed government, ang lapit na niyan sa City Hall oh!”

Habang patuloy na kumakalat ang video, nananatiling hati ang opinyon ng publiko: may mga nakakaunawa sa pagkagulat ng netizen, at mayroon ding nananawagan ng mas malalim na pag-unawa sa sitwasyon ng mga taong napipilitang isagawa sa pampublikong lugar ang mga gawaing karaniwang ginagawa sa loob ng tahanan.

Kaugnay nito, isang screenshot din ang ibinahagi ni Mam Zara sa kaniyang Facebook story kung saan mababasang inaksyunan na raw ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso ang mga nakauhanang eksena sa viral video.

Sinubukan nang kuhanin ng Balita ang panig ng uploader na si Mam Zara. Bukas ang Balita para sa kaniyang tugon matapos mag-viral ang kaniyang video.