March 07, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'I have never used drugs!' Sandara Park hindi adik, kinontra si Park Bom

'I have never used drugs!' Sandara Park hindi adik, kinontra si Park Bom
Photo courtesy: Sandara Park, Park Bom (IG)

Pinasinungalingan ni "2NE1" member Sandara Park ang naging paratang sa kaniya ng kapwa miyembrong si Park Bom, na ginamit lamang siya bilang "cover up" sa umano'y paggamit ng ipinagbabawal na gamot ng una.

Sa isang sulat-kamay na note na ibinahagi sa social media, sinabi ni Bom na tinawag umano siyang “drug addict” upang mailihis ang atensyon ng publiko mula sa kaniyang kapwa miyembro ng 2NE1.

Ayon sa ulat ng The Korea Herald, pinabulaanan ng isang malapit na kaibigan ng mang-aawit ang naturang kuwento at sinabi sa lokal na media na maaaring nag-ugat ang naturang post sa “unstable condition” ni Bom. Sa kasalukuyan, nasa indefinite hiatus ang singer dahil sa mga alalahanin sa kaniyang kalusugan.

Nauna na ring binatikos ang mang-aawit dahil sa paggawa umano ng “unverified claims” o mga hindi kumpirmadong pahayag tungkol sa ibang celebrities, ayon pa sa ulat.

Sa kaniyang sulat-kamay na mensahe, hiniling ni Bom kina YG Entertainment founder Yang Hyun Suk, The Black Label founder Teddy Park, at kapwa 2NE1 member na si CL na itigil ang pag-uulat na umano’y lumampas siya sa itinakdang dami ng gamot na dapat niyang inumin.

Tsika at Intriga

Misis ni Nikko Natividad, nagsalita na: ‘Masakit na masakit!’

Samantala, sa kaniyang Instagram story, itinanggi ni Sandara na hindi siya gumagamit ng droga, at hangad niyang umayos na ang lagay ng kasamahan.

"I have never used drugs. I wish her well," mababasa sa IG story ng tinaguriang "Pambansang Krung Krung."

Photo courtesy: Screenshot from Sandara Park/IG

Bago makilala bilang girl group member ang South Korean singer, una munang nakilala bilang contestant ng "Star Circle Quest (SCQ)" season 1 si Sandara, bago pinasok ang mundo ng Philippine showbiz.