March 08, 2026

Home BALITA

Active mobility, solusyon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo—Torre

Active mobility, solusyon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo—Torre
Photo Courtesy: Nicoals Torre III (FB), Pexels

Muling kinumbinse ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Gen. Manager Nicolas ang publiko para palakasin ang paglalakad at pagbibisikleta papuntang trabaho.

Sa latest Facebook post ni Torre nitong Miyerkules, Marso 4, pinaalala niya ang isang katotohanan sa likod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa merkado.

Aniya, “[B]ilang isang bansa, kailangan nating bawasan ang sobrang pagdepende sa fuel-based transportation. Hindi lamang ito usapin ng trapik. Hindi lamang ito usapin ng kalikasan. Ito ay usapin ng economic resilience ng bawat pamilyang Pilipino.”

“Kaya mahalagang palakasin natin ang active mobility — paglalakad at pagbibisikleta papasok sa trabaho — bilang bahagi ng ating pangmatagalang solusyon,” dugtong pa ni Torre.

Ilan umano sa mga benepisyo ng pag-ayon sa ganitong moda ng transportasyon ay liliit ang gastusin ng mamamayan, luluwag ang daloy ng trapiko, bababa ang konsumo ng langis, at magiging handa ang bansa sa pandaigdigang krisis sa enerhiya.

Internasyonal

Sundalong Fil-am, kabilang sa mga nasawi sa giyera ng Iran-US

Matatandaang kamakailan lang ay kinumpirma na ni Department of Energy (DOE) Sec. Sharon Garin ang posibilidad na sisipa ang presyo ng produktong petrolyo sa mga darating na araw dahil sa nangyayaring sigalot sa Gitnang Silangan.

Maki-Balita: ‘We need to expect that!' DOE, kinumpirma posibilidad na pagratsada ng presyo ng produktong petrolyo

Ilang fuel shipment companies at traders na rin ang nag-anunsyo ng pansamantala nilang pagsuspinde sa kanilang operasyon.

Kaugnay na Balita: Ilang oil and gas traders sa Middle-East, nagsuspinde ng operasyon dahil sa US-Israel attacks

Ngunit tiniyak naman ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos. Jr. na may sapat na suplay ng langis ang Pilipinas na tinatayang aabot ng 50 hanggang 60 araw.

Maki-Balita: Pilipinas, may sapat na suplay ng langis abot hanggang 50-60 araw—PBBM