March 02, 2026

Home BALITA Metro

Yorme, ipinag-utos pagbabawas ng paggamit ng produktong petrolyo dahil sa banta ng gulo sa Middle East

Yorme, ipinag-utos pagbabawas ng paggamit ng produktong petrolyo dahil sa banta ng gulo sa Middle East

Pinirmahan ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso ang Executive Order No. 7 series of 2026 nitong Lunes, Marso 2, na naglalayong limitahan ang paggamit ng lungsod ng produktong petrolyo bilang paghahanda sa malawakang epekto ng sigalot sa Middle East.

"The City government of Manila must act to protect public funds, maintain essential public services and reduce exposure to fuel supply and price shocks by instituting immediate fuel conservation measures," anang alkalde sa pahayag na inilabas ng Manila Public Information Office.

Sa ilalim ng naturang Executive Order, inaatasan ang lahat ng city government offices, department at bureaus na magbawas ng 50% sa kanilang fuel consumption kagaya ng paggamit ng mga sasakyan, generators, heavy equipments at iba pang fuel-using assets na may operasyon sa lungsod ng Maynila.

Kaugnay nito, saklaw din ng nasabing kautusan ang operasyon sa mga pampublikong ospital kung para sa electricity conservation at pawang online meetings na lang ang dapat gawin para sa mga pagpupulong sa barangay.

Maging ang mga graduation ceremony ay limitado na lamang gawin sa kani-kanilang paaralan upang maiwasan ang paggamit ng mga service at sasakyan na kokonsumo pa ng gasolina.

Metro

Ex-convict na nagsunog sa kabahayan sa Intramuros, balik-kulungan sa kasong arson

Matatandaang noong Sabado, Pebrero 28, sumiklab ang kaguluhan sa Middle East matapos ang pag-atake ng pwersa ng US at Israel laban sa Iran. 

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Bakit inatake ng US at Israel ang Iran na nagdulot ng tensyon sa Middle East?

Bunsod nito, isinara ng Iran ang Strait of Hormuz na siyang pangunahing daanan ng mga fuel shipments patungo sa iba't ibang panig ng mundo.

Ilang fuel shipment companies at traders na rin ang nag-anunsyo ng pansamantala nilang pagsuspinde sa kanilang operasyon bunsod ng kaguluhan at banta sa kanilang seguridad.

KAUGNAY NA BALITA: Ilang oil and gas traders sa Middle-East, nagsuspinde ng operasyon dahil sa US-Israel attacks