Ikuwento sa publiko ng tinaguriang "Pambansang Lalaking Marites" at social media personality na si Xian Gaza na may underground nuclear facility umano ang Iran.
Ayon sa naging pagbabahagi ni Gaza sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Marso 2, 2026, inintriga niyang ang heavily fortified underground nuclear facility ng bansang Iran ang ugat ng maya’t maya umanong paglindol United Arab Emirates (UAE) nang tumira daw siya sa Dubai noon.
“I resided in Dubai for almost a year last 2022. During that period, numerous earthquakes were detected inside UAE kahit walang tectonic movements around the region,” pagsisimula niya.
“Ang Iran ay mayroong heavily fortified underground nuclear facility,” dagdag pa ni Gaza.
Screenshot mula sa FB post Gaza.
Paliwanag ni Gaza, madalas daw na subukan ng Iran ang kanilang nuclear bombs sa umano’y underground facility nila at umaabot daw ang pagyanig nito sa mahigit 100 kilometrong layo.
“Nagte-testing sila ng mga nuclear bombs from time to time, hundreds of meters below the ground. The explosions are so massive na umaabot [‘yong] pagyanig ng lupa up to hundreds of kilometers away,” ‘ika niya.
Panghihimok ni Gaza, ipagdasal daw sana ng bawat isa na hindi maging matagumpay ang nasabing nuclear facility ng Iran dahil maaari umano itong kumitil sa milyon-milyong indibidwal kasama na libo-libong Pilipino sa nasabing estado.
“Ipagdasal nating lahat na huwag nila itong mai-setup successfully because a single nuclear warhead can annihilate the entire Downtown area, Business Bay, and Satwa with [shockwaves] up to Burjuman and Al Rigga. Another warhead can [flatten] the entire Dubai Marina, Internet City, JBR, JLT and Palm Jumeirah,” aniya.
“Millions will die instantly including hundreds of thousands of Filipinos. This is the worst case scenario na ayaw nating mangyari,” pagtatapos pa niya.
Matatandaang ang paglakas ng nuclear weapon ng bansang Iran ang isa sa mga pangunahing dahilan ng Estados Unidos at Israel sa pag-atake nila dito.
Noon lamang Sabado, Pebrero 28, 2026, pormal na inanunsyo ni US President Donald Trump ang major combat operation ng US military laban sa Iran.
Matapos nito, napaulat na napaslang sa naging pag-atake ng US-Israel ang supreme leader ng Iran na si Ayatollah Ali Khamenei, pati na rin ang anak at apo nito ayon na rin sa pagkukumpirma ng Iran state media.
KAUGNAY NA BALITA: Kaanak ni Iranian supreme leader Ali Khamenei, nasawi sa airstrikes ng US, Israel
KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Bakit inatake ng US at Israel ang Iran na nagdulot ng tensyon sa Middle East?
KAUGNAY NA BALITA: Trump, nagbabala sa Iran: 'Lay down your weapons or face certain deaths!'
Mc Vincent Mirabuna/Balita